DEIB'S POV
"DEIB LOHR..."
Nagising ako sa pamilyar na tinig ng isang babae. Malakas 'yon at ume-echo hindi lang sa pandinig ko kung hindi sa buong lugar na hindi ko matunton pero kinaroroonan ko ngayon.
"Deib Lohr..."
Ang tinig ay papalapit nang papalapit sa 'kin. Tumingin ako sa likuran ko pero wala akong nakita.
"Deib Lohr..." Mas naging malakas na iyon at gano'n na rin ang echo. "Deib Lohr..."
Nagliwanag ang harapan ko na halos masilaw ako. Naisangga ko ang kamay ko at nang masanay ang mata ko ay unti-unti ko 'yong tinanggal.
"Deib Lohr..," nakangiting pagtawag ng pamilyar na ginang.
Napamaang ako, hindi agad nakasagot. Napakaliwanag niya at mas pinaliliwanag pa dahil sa suot na kulay puti. Nililipad nang bahagya ang buhok at damit niya habang ang mga paa't kamay ay animong lumalangoy sa ere. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong isiping nananaginip lang ako pero nararamdaman kong gising ang aking diwa.
"Deib Lohr, apo ko," muling sambit niya.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil hindi bumubuka ang bibig ni niya pero naririnig ko ang tinig niya. Para kaming nag-uusap gamit ang isip.
Pero lalo akong namangha nang matitigan siyang maigi. "Lola...?" halos patanong kong itinawag.
Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon. Siya ang lola ko, ang mommy ng daddy ko at asawa ng Lolo Dei Min ko. At mas hindi ako makapaniwala dahil noon ko lang napansing maging ang bibig ko pala ay hindi rin bumubuka. Pero maririnig ang boses ko, ako mismo ay naririnig ang sarili ko.
"Lola?"
"Ako nga," nakangiti niyang sabi.
Natigilan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Gusto kong matakot pero wala akong maramdaman ni kaba. Gusto kong magtaka pero mapayapa ang isip ko. Maging ang puso ko ay sumasang-ayon sa kung ano ang nasa harapan ko ngayon. Wala akong ibang maramdaman sa dibdib kung hindi saya, paulit-ulit at nadaragdagang saya. Wala akong literal na naaamoy pero sa isip ko ay alam kong nangamoy bulaklak ang paligid nang makita ko siya. Kilala ko ang sarili ko pero bukod sa akin at kay lola na nasa harapan ko ngayon ay wala akong ibang makilala. Wala akong ibang maalala.
"Masaya ang pakiramdam, hindi ba?" tanong niya. Lalong sumaya ang dibdib ko pero ang isip ko ay gustong magtanong. "Wala ka nang mararamdaman pang sakit."
"Bakit ako nandito, lola? At nasaan ako?"itinanong ko pa rin 'yon nang hindi ibinubuka ang bibig, gaya niya ay isip ko ang nagsasalita para sa akin.
Iginala ko ang paningin at wala akong ibang makita kundi liwanag na hindi naman nakasisilaw. Panay puti ang paligid.
"Nasa langit na ba ako?"
"Hindi, apo," mas ngumiti siya.
"Nasaan ako, lola?"
"Nasa harap ko."
"Bakit ako nandito, lola?"
"Dahil sobra na ang paghihirap mo," ngumiti siya ngunit may iba pang mababasa sa mukha niya bukod sa saya.
"Lola..."
Gustong-gusto kong matakot pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga 'yon maramdaman. Nararamdaman kong gising na gising ang diwa ko kaya hindi pwedeng mangyari ang unang bagay na nasa isip ko kung nasa'n ako ngayon. Pero hindi ko magawang kumilos. Nakakahinga ako pero parang may nakabara. Hindi normal ang sistema ko pero gustuhin ko mang magtanong ay parang alam ko naman na ang sagot. Iyan lang ang kaya kong ipaliwanag sa kasalukuyan kong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |
RomanceThis work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this wor...