DEIB'S POV
"Deib Lohr, anak, bakit mo naman siya pinaalis?" tanong ni mommy matapos makalabas ni Taguro. Sinubukan niya pa itong habulin pero pinigilan ko siya. "Anak?"
"I don't want to talk about it, please. I need peace of mind."
Naglapat ang mga labi niya. "Hindi maganda ang ganiyan, Deib Lohr, it's new year."
"Does it have to be a regular day?" hindi ko na naitago ang inis.
Napailing si mommy sa kawalang-gawa. Naligo ako at nagbihis. Matapos kong mag-agahan ay kinuha ko na ang mga gamit ko.
"Mommy, magba-basketball lang ako," paalam ko. Hindi ko na sila nilingon, bitbit ang bola ay basta na lang ako lumabas ng bahay.
Nag-jogging ako papunta sa court at muling nag-jogging paikot-ikot doon, hindi ako makaramdam ng pagod. Kaliwa't kanan ang pagtakbo ko, umaastang may kalaban sa pakikipag-agawan ng bola na hawak ko naman. Pahulog dito, pahulog doon. Takbo rito, takbo roon ang ginawa ko. Dunk! Lay-up! Three points! Lahat ng moves na alam ko ay ginawa ko para pagurin nang husto ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman kong nawawala ang marami kong iniisip. At iyon ang kailangan ko ngayon. Ang sandaling kalimutan ang lahat at libangin ang sarili ko.
Miss na miss ko na ang maglaro. Gustuhin ko mang yayain sina Lee at Tob, alam kong busy sila kasama ang pamilya.
Makakasama ko rin naman sila mamaya.
Naupo ako sa sementong upuan, uminom ako ng tubig. Mayamaya lang ay kinain na naman ako ng pag-iisip. Parang nakikita ko sa harapan ko ang nakaraan kung saan naglaro kami ro'n nina Taguro. Kung saan kahit gusto niyang manalo ay sinikap ko siyang matalo.
"Ginawa niya 'yon noon para makipagbati sa 'kin." Napangisi ako sa bulong na 'yon nang sarili ko. "Ginawa niya 'to ngayon para saktan at hiwalayan ako. Tch. Nice." Naging mapait ang kaninang ngisi ko.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa bola na para bang kaya kong butasin 'yon. Kinakain ako ng galit, galit kay Taguro.
"Gusto kong ipagsigawan sa harap mo na galit na galit ako sa 'yo. Pero wala naman nang mangyayari kung gagawin ko pa 'yon. Pahihirapan at ipapahiya ko lang ang sarili ko."
Tanghali na nang bumalik ako sa bahay. Naghahanda na ng tanghalian si mommy pero nagsabi akong hindi na muna kakain. Wala akong gana. Dumeretso ako sa kwarto, sandaling nagpahinga at naligo. Matapos ay nahiga na ako sa kama. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko kaya mas pinili kong matulog na lang.
"Baby!" nangibabaw ang tinig ni mommy, paulit-ulit na kinikiliti ang tagiliran ng tenga ko. Inis akong nagmulat. "Omo! Nakasimangot na naman ang baby ko! Dinalaw ka na nga ni Maxi, hindi ka pa ba happy?" nanunukso niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tch." 'Tsaka ako bumangon. "Mom, I'm still sleepy."
Ngumuso siya. "Ang dami-dami mo ng tulog, baby, hindi ka ba napapagod kahihiga?"
"Mom, walang nakakapagod sa paghiga." Hinawi ko ang kamay niya at saka ako tuluyang tumayo. Uminom ako ng tubig, eksakto namang nakita ko ang sarili ko sa salamin. Inis kong inismiran ang sarili ko. "Lumabas ka na, mom, maliligo na ako."
Lalo siyang ngumuso. "Ang sungit mo recently. Mula nang bumalik ka galing sa Japan ay naging cold ka na, anak. What's wrong?"
"Nothing," sabi ko na lumapit at hinalikan siya sa noo. "Please, mom."
"May kinalaman siguro si Maxi?"
Tch. Masama siyang babae. Walang puso. Manhid. "Mom, please?" nakikiusap ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |
RomanceThis work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this wor...