CHAPTER 176

3.3M 67K 105K
                                    

DEIB'S POV

NAKAPANLULUMONG NOON pa lang nagawang kumilos ng body guards. Iginiya kami ng mga ito pabalik sa campus. Totoong mabilis ang pangyayari, kahit si Taguro na parang hangin na kung kumilos ay hindi napaghandaan ang bagay na 'yon.

Nagkagulo ang mga taong sumasalubong sa 'min at gano'n na rin ang mga nakikiusyoso.

Humahangos si lolo nang madatnan namin sa loob ng office. "Sesanghe!"

Hindi siya makapakali at panay ang sulyap kay Chairman Enrile na noon ay sinusuri ng mga doktor.Nahihirapan ito sa paghinga.

Pakiramdam ko ay huminto ang mundo at hindi mawala ang inis ko kay Taguro. Sumugod na naman siya nang basta. Hindi iniisip ang sarili o kung may mag-aalala ba sa kaniya.

Parang sandali akong nalagutan ng hininga sa ginawa niya! Tsk!

Hanggang sa sandaling iyon ay abala sa pakikipag-usap si Taguro sa kung sino-sinong matataas na opisyal na animo isang detective. Tuloy ay hindi ko siya malapitan at magawang kumustahin. Wala akong nagawa kundi ang sulyapan lang siya nang paulit-ulit. Lalo lang akong nainis.

"Ano ba, Deib Lohr, maupo ka nga?" sita ni daddy.

Hindi ko man lang namalayang nagpapaikot-ikot na pala ako sa loob ng office, katitingin sa kanila at kay Taguro.

Nanlulumo akong naupo at naihilamos ang palad sa mukha. "What the hell is going on?" sa wakas ay naibulalas ko. Hindi ko naitago ang pagkalito at galit na ikipinag-alala nila.

"Deib Lohr," pagtawag ni Noona.

Hindi ko man lang siya nilingon. "Can somebody tell me what the hell is going on?" muling tanong ko tsaka tumingin kay daddy. "Dad?"

"Nobody knows," mapagpasensya niyang asik. "Deib Lohr, this is not the right time to discuss about this. Look at your great grandfather, he's not"

"Dad," pigil ko sa kaniya. "Have you seen what just happened? Muntik na kayong mapahamak, lahat kayo." Sinikap kong kumalma, nabigo ako. "Please tell me, what's going on?" litong-lito, hindi makaintinding tanong ko.

"Will you calm down, Deib Lohr?" asik ni lolo. Napapahiya akong nagbaba ng tingin ngunit ang inis ay naro'n pa rin.

Humugot ako nang malalim na hininga at sumandal na lang. "Parati na lang bang gano'n?" nalilito kong sabi. "Hinahabol na tayo ng panganib. Pero wala tayong alam kung saan nagmumula at sino ang may pakana. May karapatan akong malaman dahil myembro rin ako ng pamilyang 'to. Nandito ako sa school na 'to at dito sila mismo sumugod. God, damn it!"

Hindi ako matahimik sapagkat pakiramdam ko ay may alam ang lahat maliban sa akin. Ngayon lang nangyari ang gano'n. At talagang nananakit ang ulo ko sa kaiisip sa posibleng dahilan. Ngunit wala akong mahita.

"I said, calm down," singhal ni lolo, galit na, dahilan upang matahimik ako.

My incapabilities frustrates me. Pakiramdam ko ay napakainutil ko. Wala na akong ginawa kundi isigaw ang pangalan nang kung sino-sino, at tumunganga. Wala akong silbi kundi ang panoorin ang nangyayari at maghintay sa resulta. Hindi ko maitatangging naduduwag ako pero nasisiguro kong may magagawa ako.

Hindi ko lang talaga alam kung paano. Tsk! Badtrip!

Nangibabaw ang nakakabinging katahimikan. Tanging ang maingay na hikbi ni Noona ang maririnig sa paligid.

Natinag na lang kami nang bumukas ang pinto. Magkakasunod na pumasok ang mga Moon.

"Chairman Moon," tumayo at hinarap ito ni lolo.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon