CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH

2.5M 55.9K 134K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH

DEIB LOHR'S POV

"WHAT DO you mean?" Hindi ko napigilang ipakita sa kaniya ang umusbong na galit ko. "I have no time for jokes, Maxwell. Where is Maxpein? Please tell me!" Kung wala akong karapatang pagtaasan siya ng boses, wala rin akong pakialam.

Pero dahil siya si Maxwell Laurent del Valle-Moon, hindi siya nasindak do'n. Ni hindi siya kumurap, nanatili siyang nakatingin sa 'kin. Sa halip ay ako ang nasindak nang mawala ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mukha.

"She's in Kaechon," sagot niya saka mabilis na tinalikuran ako.

Namuo ang luha sa mga mata ko. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi iyon tumulo. Dahil sa sandaling iyon, wala ako sa teritoryo ko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Dahil wala ako ni isang kapamilya na sasalo sa kahinaan ko. Wala si Taguro na hindi papayag na manghina ako. Walang iintindi sa sitwasyon ko.

Tama ang pakiramdam ko. Galit si Maxwell sa 'kin, hindi ko na kailangang kuwestiyonin 'yon.

Kaechon...

Isa 'yon sa tatlong lugar na binanggit ni More kanina. Ang hindi nabanggit ni More ay kung ano ang meron sa lugar na 'yon.

Agad ko siyang nilingon. "What is that place, tito?" kunot-noong tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Iyon ang palasyo ng parliyamento. Doon dinadala ang mga taong nagkakasala sa bansang ito."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?"

Tumango siya. "Isa sa mga pangunahing batas ng mga rango ang sinuway ni Maxpein, Deib Lohr." Lumunok siya. "Kahit gaano pa kalalim ang dahilan, wala silang karapatang kumitil ng buhay."

Napamaang ako. Hindi kapani-paniwala, hindi makatarungan. "Hindi ko maintindihan," napapailing kong sabi. "Bakit gano'n? Hindi patas 'yon."

"Sa parte namin na may ganoong klase ng batas, hindi talaga patas." Mapait ang ngiti ni More. "Hindi madaling intindihin. Pero isa 'yon sa mga sinumpaan ni Maxpein bilang isang rango, Deib Lohr. Siya ang may abilidad, siya ang may kakayahang gawin lahat. Hindi mahirap para sa kaniyang kumitil ng buhay. Naging mahirap lang 'yon dahil sa batas na meron kami. Dahil kamatayan ang kapalit kapag ang isa ay nakapatay."

"Bakit nga gano'n?"

"They are trained to protect their families, the country. Maxpein is trained, Deib Lohr. Matinding proseso ang pinagdaanan niya," mariing aniya, nagpapaintindi. "Naging mahusay siya, mabilis, matalino, pinakamagaling..." Hindi niya maitago ang paghanga sa anak. "Ang taong may potensyal, abilidad at lakas...sila iyong may kakayahang gumawa ng iba't ibang bagay. Kaya binuo ang gano'ng batas, para mahirapan silang pumatay. Para hindi maging gano'n kadali para sa kanilang patayin ang mga taong makakabangga nila. Dahil sa bansang ito, hindi dahil kaya mo ay gagawin mo. Hindi dahil pwede ay kailangang gawing posible. Ang salitang pwede at dapat ay magkaiba, Deib Lohr."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon