CHAPTER 238 : THE END Part 2
MAX'S POV
KING INA...
"Be careful what you wish for," hindi inaasahan ng lahat nang magsalita ang bunso naming si Maxrill. Hindi ko naiwasang mapansin si Hee Yong na pormado ang pagkakaupo sa paanan niya, animong nakikinig. "Baka maunahan ka pa niyang mag-asawa, at siya ang hindi mo makitang matali sa iba." Dumila siya matapos sabihin 'yon saka tumawa, halos hindi na makita ang mga mata. Ang abnormal kong kapatid.
Matagal mang natigilan ay nakuha pa ring ngumisi ni Sensui, bagaman hindi niya maitatago ang pagdidilim ng kaniyang mukha.
Hindi na siya sumagot pa. Parang hindi niya nagustuhang pinagtulungan siya ng mga kapatid ko. At gusto kong mapahiya nang dahil do'n. Ipinapangalandakan nila na naghahabol ako.
"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong anyaya ko, hindi nag-aangat ng tingin kay Sensui.
"Okay," kaswal niyang sagot saka naupo sa tabi ko at halos dumungaw sa 'kin. "What is it?"
Napapalunok akong umilag, nagulat sa sobrang lapit niya. "Ah," parang nayanig sandali ang utak ko. Napatingin ako sa mga naro'n, lahat sila ay nakatingin sa 'min. Tumayo ako at inayos ang sarili. "'Wag dito," nanguna akong maglakad papalayo.
"Tch, gusto mo talaga ay 'yong solo?" dinig at ramdam ko ang sarkasmo niya.
At hindi ko inaasahang sa pagsunod niya ay isasabit niya ang coat sa akin. Natigilan ako at lumingon sa magkabila kong balikat. Saka nagtatakang nag-angat ng tingin sa kaniya.
Pero hindi niya 'yon pinansin. Tiningnan niya lang ako saka nakapamulsang nanguna sa paglalakad.
Huminto siya bago makarating sa gazebo na naro'n din sa bakuran at hardin ng mga Yanai. Lumingon siya sa 'kin saka napipilitang ngumiti, nakapamulsa pa rin. "What is it?" tanong niya.
"Hindi ba pwede ro'n?" inginuso ko ang gazebo, napapahiya. May mesa kasi at mga silya ro'n. Sa tingin ko ay hindi ko kakayaning tumayo nang matagal. Sa dami ng laman ng isip ko at gusto kong sabihin ay paniguradong mananakit ang binti ko.
Nakita ko siyang tumitig sa gazebo saka napapabuntong-hiningang iminuwestra sa 'kin ang daan. Inalalayan niya ako paupo. Sa isip ko ay gusto ko siyang purihin. Masiyado na kasi talaga siyang malayo sa dati niyang ugali. Kung nagkataon ay paniguradong hindi niya gagawin ang lahat nang ito sa 'kin. Nasisiguro kong panay pa rin ang pagmamaktol niya at hindi ako bibigyan ng pagkakataong makausap siya.
"Mukhang seryoso itong pag-uusapan natin, ah?" nakangiting ani Sensui nang makaupo siya sa harap ko. "What is it?" ikatlong beses niya nang itanong 'yon pero hindi ko maramdaman ang kaniyang interes. Para bang isang tsismis lang ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |
RomanceThis work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this wor...