CHAPTER 234

2.3M 57.8K 162K
                                    



DEIB'S POV

"DEIB LOHR, what are you doing here?" Kasabay ng tanong na iyon ay hindi ko na naramdaman ang malakas na buhos ng ulan. Napatingala ako at 'ayun ang asul na payong na nakatabing sa 'kin. "Deib?" muling pagtawag ni Lee. Nagbaba lang ako ng tingin. "You're gonna get sick, what are you doing, Deib?" nag-aalala siya, alam ko. Pero hindi niya maitatago ang inis.

"I'm okay."

"Of course, you're not! Ano ba?" Pabagsak niyang binitiwan ang payong, nilingon ko iyon. Hinayaan niyang maulanan kaming dalawa. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bahagyang itinulak, dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Kahit sirain mo ang buhay mo, hindi mo na siya maibabalik, Deib," pinipigilan niya ang galit.

"I know," muli akong nagbaba ng tingin sa mga kamay ko. "Hindi ko naman ginagawa 'to para ibalik siya, Lee. Ginagawa ko 'to para pagbigyan ang sarili ko." Hindi ko matandaan kung minsan ko na bang nagamit ang gano'ng linya sa kaniya. Ang natatandaan ko lang ay hindi na ito ang unang beses na maramdaman ko ang sinabi.

"Why? You're just making yourself suffer, Deib Lohr."

"Sa ganitong paraan ko gustong pagdaanan 'yong sakit, ano ang masama ro'n? This is how I want to move on, Lee. This is my way of moving on."

"But you're only making it worse," marahan, naaawa niyang sinabi. Dahan-dahan siyang naupo sa sariling paa, sa harapan ko. 'Tsaka ako tinitigan sa mga mata. "Ano pa ang pinanghahawakan mo?" punong-puno ng awa ang mga mata niya. "She's gone, Deib."

Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong maramdamang galit o inis. Dahil maging ako ay naaawa lang sa sarili ko. "I know. But this makes me feel better, Lee. Even when better means simply holding on to a little piece of faith and hope. Ito na lang ang meron ako, 'wag mo nang alisin."

"But you're only holding on to the pain that is greater than that of letting go," hindi niya na malaman kung paanong ipaiintindi sa 'kin ang sinasabi. "Don't be so hard on yourself. Let go, Deib."

"I'm not going to give up, Lee. I know someone up there will give me the strength to hold on."

"But you're holding it too tight, Deib Lohr," malungkot niyang sinabi. Napatitig ako sa mga mata niya. Umiling siya nang umiling habang malungkot na nakatitig sa 'kin. "There's no point holding on to someone who's already gone. Stop holding yourself back, Deib Lohr. Help yourself."

Bumagsak ang mga balikat ko, kasabay niyon ang mga luha kong hindi makita dahil sa malalaking patak ng ulan. "Just..." Ipinakita ko sa kaniya ang maliit ng pagitan ng hintuturo at hinlalaki ko. "Just a little bit more, Lee. Let me hold on a little bit more."

Nanlulumo siyang tumitig sa 'kin, umiwas ako ng tingin. Nadinig ko siyang bumuntong-hininga, mayamaya ay tinapik niya ako. "Whatever," muli siyang bumuntong-hininga dahilan para lingunin ko siya. "I knew we'd end up like this."

"What?" malamya kong tanong matapos siyang panooring maupo sa tabi ko.

Nagkibit-balikat lang siya. "Basta," nilingon niya ako saka pinagkunutan ng noo. "Nandito lang ako, kami ni Tobi. Nandito lang kami para sa 'yo. 'Wag mong kalilimutan 'yon kahit matapos ka pa diyan sa kabaliwan mo." Inilingan niya ako. Pinulot niya ang payong at muling itinabing 'yon sa 'min. "Tsk. Nadumihan tuloy ako."

Sandali akong napatitig sa kaniya saka ako iiling-iling na natawa. "Napakaarte mo. Ano nga ba'ng ginagawa mo dito?"

"May pictorial kami ni Kimeniah."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon