CHAPTER 181

3.3M 63K 171K
                                    

DEIB'S POV

TULALA KONG binalikan sa isip ang nangyari kanina. Nang dahil do'n ay nakagawa ako ng panibagong pagkakamali kay Taguro. Nasapo ko ang sariling noo nang maisip ang katangahan.

Naiwan ako sa classroom matapos ang klase. Hindi ko kasi namalayang nailabas ko ang lahat ng aking materials, palibhasa'y bigay na bigay mag-participate sa discussion.

Masaya ako sa magandang resulta ng paghihirap ko sa araw na ito. Ako kasi ang pinakamataas sa lahat ng quiz, recitation, seatwork at workbook exercises, sa lahat din ng major subjects ko. Syempre, panay ang papuri ng mga professors, at lahat sila ay sinasabing babanggitin ito kay lolo kahit pa tumanggi ako.

Dederetso na sana ako sa locker area nang muling matigilan dahil natanaw ko si Eerah Anitha kaharap ang asawa. Sa hitsura nila ay mukhang meron silang pinagtataluanan.

Dito pa talaga nila napiling mag-away? Tch!

"I'll take you home," ani Lovemir, dahilan upang matinag ako.

"No, kaya kong umuwi mag-isa."

"I know. Pero kaya mo rin naman kung ihahatid kita, hindi ba?"

"Lovemir, I'm tired, please."

"Exactly, Eerah, I know that you're tired. Let me take you home."

"Ano ka ba? Hindi ka ba makaintindi?"

"'Wag kang sumigaw rito."

"Sisigaw ako kung kailan ko gusto! Ang kulit mo!"

"Because we need to talk."

"Hindi ba't sinabi ko naman na sa 'yong pupuntahan kita kapag handa na akong makipag-usap?"

"Pero ang tagal ko nang naghihintay, Eerah."

Ah...Ganito pala ang relasyon nila sa isa't isa.Nakangiwi akong tumango.

"You're not going to run away again, aren't you?" asik muli ni Lovemir. Nag-iwas naman ng tingin si Eerah Anitha. "Kailan mo ba ako kakausapin nang maayos, Eerah? 'Wag mo naman akong bale-walain ng ganito."

"I'm tired of listening to you. Paulit-ulit na lang ang sinasabi mo kahit pa paulit-ulit din ang sagot ko. Ikaw? Kailan mo ba balak na tigilan itong ginagawa mo? Give yourself a break, Lovemir, I've had enough of you, and I have moved on. Sorry, I just can't talk today."

Ibig bang sabihin nito ay hiwalay na sila?

"Napapagod ka na ba sa 'kin?" Sinikap maging kaswal ni Lovemir ngunit nabigo siya. Nabasag ang tinig niya, pipiyok na. Natinag si Eerah at napatitig sa asawa. "Kaya ba ganyan kadali para sa 'yong sabihin lahat nang 'yan ay dahil...napapagod ka na sa 'kin?"

"Oo," mariing tugon ni Eerah. Napalunok ako sa sobrang deretso niyon. "Napapagod na ako masyado na wala na akong ibang choice kung hindi ang huminto. Pero huminto ako hindi lang dahil sa napapagod ako, kundi dahil wala na rin akong nararamdamang pagmamahal sa 'yo."

Aw...

"I am so tired of running away from you, when will you understand that? Huh? There is no amount of sleep in this world could cure the tiredness that I feel right now, Lovemir. I am so tired of you. You can never change how people feel about you, so stop trying. Just live your life and be happy. Please?" Umaapaw ang emosyon sa tinig at mga mata ni Eerah Anitha.

"Eerah, please...I'm begging you." Nagsusumamo ang tinig ni Lovemir. Kung pribadong lugar lang ito nasisiguro kong lumuhod na siya.

"No, Lovemir, magmakaawa ka sa sarili mong tigilan na ito." Halos makiusap si Eerah upang makaintindi ang asawa. "Maawa ka rin sa sarili mo dahil nagmumukha ka nang kawawa."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon