CHAPTER 195

2.7M 55.9K 90.8K
                                    

DEIB'S POV

HINDI KO naiwasang manibago nang muling magpasukan. Parang kasisimula lang ng taon kahit hindi naman. Tahimik ang BIS. Madalang ang estudyante sa labas. Maaga pa lang ay nasa loob na sila ng klase.

Nakakaparaning dahil pakiramdam ko ang lahat ng mata ay nasa akin. Ang dating tumitangala nang may paghanga sa 'kin ay masasama na kung tumingin. Hindi ko sila masisisi. Mukhang sarado ang mga utak nila. Para bang ako ang nasa likod ng lahat nang iyon.

Nagpatuloy ang klase na para bang walang nangyari. Umaga pa lang ay abala na ako. Sunod-sunod ang recitation, quiz at seat works. Hindi ako magkandaugaga sa dami ng plates.

Gabi na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Taguro, kauuwi ko lang. "How's my baby babe?" malambing kong tanong.

"Pagod. Kumusta?"

"Ayos naman, pagod din."

"Marami kayong ginawa?"

"Mm, bumabawi. Halos lahat ng subjects ay may quiz at recitation. Pero maganda naman ang resulta, pasado ako sa lahat."

"Nice to hear that. Nakakapanibagong pumasok, 'no?"

"'Yan din ang naramdaman ko kanina," mapait kong sinabi. "Tch. Kakaiba ang tingin sa 'kin ng mga babaeng dati-rati ay may pagnanasa kung tumitig sa 'kin."

"Tss."

"Seryoso. Tch. Ngayon ay parang gusto nila akong sapakin."

"Madalas din mabanggit sa campus namin ang pangalan mo."

"Parang hindi naman na bago sa 'kin ang balitang 'yan, Taguro," mayabang kong sabi.

"Ang sabi nila ay myembro ka raw ng sindikato."

Nanlaki ang mga mata ko. "Tch! Baka ikaw," singhal ko.

Natawa siya. "Mukha ba akong gano'n, Sensui?"

"Oo, Taguro."

"Talaga, mukha akong sindikato?"

"Tch. Bakit parang natatawa ka pa? Gustong-gusto mong nagmumukha kang cool, eh, 'no?"

"Kailan pa naging cool ang pagiging masamang tao?"

"Tch."

"So, mukha nga akong sindikato?"

"Oo nga. Mukha kang sindikato na pinatino nang gwapong tulad ko."

"Wow."

"Amazing, right?"

"Oh, sige na, magpahinga ka na. Tumawag lang talaga ako para kumustahin ka."

Napangiti ako. "Ang sabihin mo ay na-miss mo 'ko."

"Parang gano'n na nga."

"Hindi ka na sanay nang wala ako sa paningin mo?"

"Nabitin lang ako sa oras mo kagabi," sinabi niya iyon na para bang ngiting-ngiti sa kabilang linya.

"Pareho tayo ng naramdaman, baby babe. And I won't mind meeting you tonight."

"I can't, marami akong kailangang gawin."

Napabuntong-hininga ako, nanlumo. "When will I see you again?"

"You can always look up at the sky whenever you miss me, we share the same stars every night."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon