CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE

3.4M 66.5K 279K
                                    


CHAPTER 225 : THE VENGEANCE 7

Who's back with a vengeance?

DEIB'S POV

"RANDALL!" Agad na sinalubong ni Noona ang asawa nang bumungad ito sa pintuan. Kasunod niya ay sina Lolo at Chairman Enrile.

Parehong hinahapo ang dalawang matanda at bakas ang matinding takot sa mukha. Lahat ay sandaling nanahimik at nagmasid. Walang nakapagsalita agad para magpaliwanag. Pare-pareho kaming nakikiramdam at naghihintay sa kwento kung ano na ang nangyayari.

Agad na lumapit sina mommy't daddy para asikasuhin ang dalawang matanda nang sumenyas si Chairman ng tulong. Si Randall naman ay parang wala sa sariling naupo sa sofa. Naghahabol ng hininga pero nananatiling tulala. Paulit-ulit niyang naisabunot ang parehong kamay sa buhok saka mapapahilamos na para bang litong-lito na sa sitwasyon.

"What happened?" atubiling tanong ko matapos lumapit sa kaniya. Hindi ko na matiis ang katahimikan.

"Randall, where's Maxwell?" usisa rin agad ni Yaz. "How about Maxrill?"

Napabuntong-hininga si Randall. Naihilamos niya na naman ang parehong kamay sa mukha. "Hindi pa rin namin siya nakukuha. Galit na galit na si Maxpein," aniya, pinangingiliran ng luha sa sobrang galit. "Fuck! Why is this happening!" Ilang beses niyang naipadyak ang mga paa sa sahig.

"Nasa'n si Taguro?" halos pabulong na tanong ko matapos maupo sa tabi niya. "Randall sabihin mo sa 'kin kung nasa'n si Maxpein."

Nilingon niya ako nang kunot na kunot ang noo. Galit niyang kinagat ang sariling labi saka muling yumuko sa mga palad niya. "This is full of harmful shit," wala sa sariling bulong ni Randall. "When it comes to her family, she'll go to fucking war and those bunch of fucking assholes better have a lot for motherfucking soldiers. They don't know her." Tiningnan niya ang bawat isa matapos sabihin ang huling linya.

"Randall, ano ba ang sinasabi mo?" niyugyog siya ni Parrot. Bakas na bakas ang kaba niya. "'Wag ka ngang ano! May nangyari bang masama kay Maxwell?"

"They have him, and we can't find them, Zarnaih. We don't know where he is, or where they brought him. Damn it!" Muli siyang napahilamos sa galit at pag-aalala. "Her pain turned to rage, I'm afraid she's letting everyone to see it. She's dangerous," tumingin sa akin si Randall saka tiningnan ang lahat. Hindi ko maipaliwanag ang nakakikilabot na kaba dahil sa huling salitang binitiwan niya. "Maxpein is dangerous. Maxpein cry bullets."

Hindi ako nakapagsalita, walang nakapagsalita. Lahat ay naiwang nakatulala kay Randall at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya. Kakaiba ang pakiramdam. Para bang napakarami kong nalaman pero sa kabilang banda ay nagdulot iyon ng panibagong katanungan.

Anong klaseng tao ka ba talaga, Taguro? Bakit hindi kita makilala?

Kinukwestiyon ko ang pagkatao niya. Pero hindi ko siya magawang katakutan. Hindi ko siya magawang kamuhian. Puro tanong tungkol sa pagkatao niya ang isip ko pero alinman sa mga iyon ay hindi kayang burahin ang kung anong nasa puso ko na. Ang tatak ni Maxpein na nakaukit na sa puso ko, at tila inilibing pa nang pagkalalim-lalim, walang kayang humukay.

Hindi ko maintindihan ang kaba ko, sumasakit tuloy ang ulo at dibdib ko. Pakiramdam ko ay biglang nadagdagan ang timbang ko, ako mismo ay nabibigatan sa sarili ko.

"Nakapatay si Maxpein." Sinabi iyon ni Randall sa mismong mga mata ko.

Natigilan ako nang matindi. Parang niyanig sandali ang mundo ko. Nagtindigan ang mga balahibo ko. Sunod-sunod na pagsinghap ang nagawa ko, at hindi ko magawang alisin sa kaniya ang aking paningin. Ilang beses pang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya at alinman sa mga iyon ay hindi ko magawang paniwalaan ngayon.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon