MAX'S POV
Nagmadali akong pumunta sa shower area para makapagbihis. Pero kahit anong bilis ko ay hindi ako umabot sa tamang oras ng klase.
"You're late!" bungad ng lecturer.
Napapabuntong-hininga akong umirap. Tss, malamang. Alam ko na bago mo pa malaman.
Sa halip na pansinin ito ay dumeretso ako sa sariling silya.
"Wow," agad na bulong ni Naih. "Super late? Imported?" pang-aasar niya. Hindi na ako sumagot.
Itinutok ko ang paningin sa harapan. Gayunman, hindi nakaligtas sa paningin ko nang lingunin ako ni Lovemir. Ugali niya na ang gano'n sa t'wing darating ako. Wala iyon sa akin, lalo at wala akong interes sa paligid.
Nagsimula ang klase. Gaya ng inaasahan ko, naglayag na naman ang isip ko. Hindi makuha ng lecturer ang atensyon ko. Dahil bukod sa nakatirik ang mata niya habang nagdi-discuss, alam ko na ang lahat ng sinasabi niya.
Binabagabag ako nang nasaksihan ko kanina. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig, lalo na sa mga nakita ko. Gano'n pala talaga kalala ang Eerah Anitha na 'yon.
Kung ang kaguwapuhan ni Sensui ang pag-uusapan, hindi ko masisisi si Eerah Anitha. Pero ang halikan si Sensui dahil lang gwapo ito, hindi makatarungan. Parang napakadali para sa kaniya ang lapitan, sunggaban at manghalik ng lalaki. Sa lugar pa kung saan hindi akma ang gano'ng gawain. Nangyari pa rin iyon sa kabila ng mga sinabi ko sa coffee shop nang nakaraang linggo. That girl must be a professional flirt.
Nakita ko ang lahat. Simula nang talikuran ako ni Sensui at makalayo siya ay sinundan ko na siya. Naunahan lang talaga akong lumapit ni Eerah.
Ano nga ba ang nakakatakam sa lalaking may girlfriend na? Tss. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Anong laban ko sa malandi? Tsk. Sa anong paraan ko ba siya dapat saktan? Hehe. Marami akong paraan. Sa sobrang dami ay manginginig siya sa pagpili. Meron akong choices at libre siyang mamili.
Nag-aalala ako sa nararamdaman ni Sensui. Masyado siyang emosyonal at alam kong wala siyang intensyon na saktan ako. Nasisiguro kong galit na galit na iyon ngayon kay Eerah dahil sa ginawa nito.
"May practice daw after lunch, excused tayo sa class," bulong ni Lovemir sa kalagitnaan ng pagkaklase.
Natigil ako sa pagmumuni-muni at nilingon ito. Ang kaniyang paningin ay tutok sa lecturer habang sini-spin ang ballpen sa mga daliri.
"Bukas walang practice," dagdag niya. "Aenna asked me to tell you. Bigla ka kasing nawala kanina."
"Thanks," ang tanging sagot ko.
"Let's go there together."
"You can go first."
Naramdaman ko nang lingunin niya ako. Kaswal ko siyang sinulyapan. Para bang gano'n na lang ang gulat niya sa isinagot ko.
Tss.
Ibinida ni Naih ang naging date nila ni Lee habang nagla-lunch kami. Nakangiti akong nakinig. At talaga namang nai-imagine ko ang mga sinasabi niya.
Saksi ako sa kakaibang sweetness ni Lee kay Naih. Natural na ang pagiging malambing ni Lee, bukod sa pagiging maalalahanin at mabait. Pero makikita ang kaibahan sa t'wing kay Naih siya magpapakita ng sweetness. Maging mga kaibigan niya ay hinahangaan iyon.
Hindi ko naman makuhang mainggit. May sarili rin kasing paraan si Sensui. Sa katunayan ay naipaparamdam niya sa 'kin na ako ang pinakaespesyal na tao sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |
RomanceThis work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this wor...