Chapter Twenty-Six

7K 245 79
                                        

Chapter Twenty-Six

Past

"Aalis ka na naman, dude?"

Habang nag-i-spray ng pabango sa harap ng salamin, nilingon ko ang kapatid na si Daniel nang marinig ang boses nito. Kumunot ang noo ko nang makitang lumapit ito sa lalagyan ng mga relo ko at nakialam ng hindi nagpapaalam.

"Yes. You know the drill. Don't tell Mom about it."

"Magkano?" kaswal nitong tanong habang sinusuot ang isa sa mga Rolex na paborito ko.

Hinarap ko ito at inabutan ng isang libo bilang tugon pero hindi nito tinanggap.

"How about this?" tukoy nito sa relo kong suot nito kaya muling kumunot ang noo ko.

"That's my favorite, you fool. Put that down!"

"Okay. Madali akong kausap. Makakarating kay Mommy ang pagtakas mong ito ngayon."

"Ang totoo talaga nagsawa na ako niyan. You really can have that." Lumapit ako at kumuha ng isa pang Rolex. "And here. Kawawa ka naman, dude. Take this one, too. I don't fucking like that anymore."

Daniel grinned, taking two of my favorite Rolex.

"Thanks, man! Don't worry; Mommy will not know."

Hilaw lang akong ngumiti bilang tugon. Hinintay kong makalabas ito tuluyan ng closet bago ako sumuntok sa hangin sa inis. Daniel will always be that jerk. Walang character development ang lalaking ito. Bata pa lang, sigurista na. Hindi na ako dapat mainis pero hindi ko pa rin mapigilan.

Bumuga ako ng maraming hangin at dinala ang kamay sa buhok para pakalmahin ang sarili. Nang kumalma, nagmamadaling lumabas ako ng closet at tumakbo papunta sa balkonahe ng kwarto. It's nine thirty in the evening. The weather is so good. The dark sky makes the moon so beautiful.

"This is the best weather and time to sneak out." I grinned and then climbed my way upward. 

Malapit na. Konti na lang. Pero kung kailan patalon na ako, marahas na biglang bumukas ang pintuan ng balkonahe. Pakiramdam ko mukha akong unggoy na na-freeze sa ibabaw ng puno dahil sa narinig.

"Nathaniel James, where are you going?"

Mom's voice immediately made me stop in my track. Mula sa itaas, sa bintana kung saan ako nakabitin, ibinaba ko ang tingin para tignan si Mommy na mas mataas pa sa kinaaakyatan ko ang taas ng kilay.

"Ano ang ginagawa mo riyan?"

"Uhm?" I licked my lower lips. "Nagpapahangin lang, Mom."

Aside from being the coldest, my Mom is the smartest. Alam na alam kong hindi nito paniniwalaan ang sinabi ko but I still try harder.

"The sky is gorgeous here, Mom. You could see how the millions of bright stars dotted the black canvas of night!"

"Baba."

I mentally cursed inwardly.

"Bumaba ka at matulog, Nathaniel James." Mom ordered sharply.

When she turned her back and started walking away from the balcony, I gritted my teeth. Damn. Plans cancelled. Hindi na ako makakatakas maliban kung liliparin ko ang gate naming kasing taas ng pride ni Mommy.

Hapo akong tumalon pababa saka hinabol at sinundan si Mommy na naglalakad papalabas ng kwarto ko. My Mom is cold and distant but she never forgets to visit us in our room every night, no matter how tired and how late she arrives at home.

This little detail made me hold on. Hold on to the unpronounced truth that Mom loves us. She has a different way of loving. It's silent and quiet. But most of the time, harsh and hard.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon