Chapter Twenty-Four

8.4K 413 358
                                        

Chapter Twenty-Four

Start

'Crayon and Hunter will stay in my place for a while. Stop draining yourself. Have a rest now.'

I was lying wide awake in the bed when I received Nathaniel's text. Ilang oras na akong nakahiga habang nakatingin sa kawalan at tulala. Mommy and Daddy hadn't arrived yet. Hindi pa nila alam ang nangyari at ang ginawa nina Hunter at Crayon. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin. Nahihiya ako dahil alam kung ako ang pinakaunang masisisi sa nangyari.

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Hunter kanina at bawat balik tumutulo ang mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit, sakit, sakit.

"Alicia Celestine!"

I heard Mommy's voice all of a sudden. I even felt her enter my room, but I'm too hurt to rise or respond. Even if I finally felt Mommy's presence beside me, my stares were still blank, sitting curiously in my bed.

"Anong nangyari, Alicia?"

"Masama na ba akong ina na maituturing, My, kung sasabihin ko ngayon na nahuli namin ni Nathaniel sina Hunter at Crayon na gumagamit ng pinagbabawal na gamot?"

I know Mommy would surely get surprised, so I didn't wonder when it took her time to respond.

"Walang masamang ina, Alicia Celestine. May masama lang desisyon, masamang pinagdaanan, masamang sitwasyon, masamang kinalakihan, masamang karanasan, masamang mundo at sanlibutan."

Tears fell shamelessly on my face again.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nangyari iyon hindi upang pagsisihan ang bagay na natapos na at hindi na maaring mabago. Nangyari iyon upang bigyan kayo ng pagkakataon na itama ang mga pagkakamali niyo."

"They wanted Nathaniel and me to get back together." I quietly said while staring blankly at the walls.

"They always want." Mommy agreed.

"Pero ayaw ko na."

"Dahil wala ka ng nararamdaman?"

"Dahil natatakot ako." mahina kong sagot habang tahimik na tumutulo ang mga luha sa pisngi. "Paano kung saktan niya akong muli? Paano kung saktan niya kaming muli?"

"Hindi natin malalaman kung hindi mo bibigyan si Nathaniel ng pagkakataon." Mommy brought her hand in my face and gently wiped my tears away. "Mas mabuting magsisi sa mga bagay na nagawa mo kesa magsisi sa mga bagay na hindi mo ginawa, Alicia Celestine."

Walang buhay akong umiling. "Ayokong sumugal, My."

"Minsan sa bahay natin kailangan nating sumugal lalo na sa larangan ng pag-ibig. Kumilos ka, anak, dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon. Parte ng pagmamahal ang sakit. Kapag hindi mo naranasang masaktan, hindi mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal. Natalo ka man noon, ayos lang. Hindi doon natatapos ang lahat. Hindi ibig sabihin no'n na talunan ka na panghabang-buhay. Tandaan mo mas masarap ang tagumpay kapag minsan mo nang naranasan na maging talunan."

Pinagapang ko ang mga matang hilam sa luha patungo kay Mommy habang sumisinghot.

"Bigyan mo ng pagkakataon si Nathaniel na patunayan ang sarili niya. Bigyan mo siya ng pagkakataon, hindi lamang para sa mga anak niyo kun'di para sa sarili mo." Mommy continued while gently caressing my hair.

"Nakapag-move on na ako kay Nathaniel, My."

"Hindi ka pa nakakapag-move on, anak. Nakalimutan mo lang ang sakit, hindi ang damdamin mo para kay Nathaniel."

I hate that Mommy is right. I hate that I couldn't defend myself. I hate that I didn't try to open up myself and all my pain to Mommy. I despise how my pain, hatred, and selfishness strained my relationship with my parents. I should have talked to Mommy sooner. I should have cried my heart out to her before... baka naliwanagan ako at hindi pa kami umabot sa ganito.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon