Chapter Thirty-One

9.5K 398 294
                                    

Chapter Thirty-One

Found

I didn't know if anyone noticed that the sky was beautiful today. The sunset colored the sky a rare shade of pink and purple. It seemed like a dream, that kind of dream that you wake up wanting for more. It felt like a solace as if it could hold you tight and whisper you words of comfort.

Birds are soaring heights, gliding like free souls in the wind. Like children of the sky, innocent and free-spirited. It was a kind of freedom I wanted to taste, even if it was for a short time, to break from the confines of life.

May nalaglag na dahon mula sa puno ng narra sa harap ng bahay. Hindi pa man umabot sa lupa, tinangay na nang hangin at dinala sa lugar na tanging langit lamang ang nakakaalam. A proof that there is magic all around... even if some days it's hard to find.

I smiled and watched the birds gleefully until they blended into the faraway sky and became specks on the mysterious horizon.

"Alicia, huwag kang mainggit, ah? Magpapakasal ulit kami ni Ezekiel."

While my lips twitched in disgust, Natasha giggled flirtily.

"Na naman?"

Masayang tumango si Natasha. "Yup! Nagmamahalan kasi kami. Hindi katulad ng iba riyan."

Nakuha ni Kimberly ang atensyon ko nang bigla itong humalakhak. Iba tumawa itong babaeng ito. Parang sinaunang mangkukulam kaya medyo nakakainis pakinggan.

I shook my head. Sitting on the porch with these women in this beautiful weather is not good.

"Happy much tayo, ate girl? Anong nakakatawa?" nakangiwi kong tanong.

Ngumisi si Kimberly habang umiinom ng tsaa.

"Wala. Natawa ako sa sinabi ni Natasha na nagmamahalan sila ni Ezekiel, hindi katulad ng iba riyan. I'm sure hindi kami ni Teodoro iyon kasi mahal na mahal naman ako no'n. Kayo kaya iyon ni Nathaniel, bes?"

Nasaan ba 'yong toothpick nang matahi ang bibig ng babaeng ito?

Umiling ako sabay inabot ang juice. I chose not to comment again. Every time they bring Nathaniel up in the topic, I'd rather be silent. Hindi ko sila pinapatulan kahit pa ano ang gawin nilang pang-aasar.

"Speaking of Nathaniel, may balita ka ba sa kanya, bes?"

Tipid lamang akong umiling sa tanong ni Natasha.

"Ako meron."

"Hindi ako nagtatanong."

"Alam ko. Hindi naman ikaw ang babalitaan ko, sina Crayon at Hunter naman. Mga pogi!" tawag ni Natasha kina Hunter at Crayon na nasa kabilang dako ng porch.

Crayon was teaching Hunter how to strummed the guitar. Iyan ang pinagkakaabalahan nilang dalawa sa loob ng anim na buwan na lumipas.

"Yes, ninang?"

"Hindi niyo ba bibisitahin ang Daddy niyo? Nasa probinsiya siya ng Davao del Sur ngayon sabi ng Tito Ezekiel niyo! May hacienda ang daddy niyo roon. Punta tayo! Ang ganda ng lugar! Wala ka raw sa Baguio at hindi sila ang Mommy at Daddy niyo pero malamig. Nature and green sceneries, hindi ba iyon ang gusto mo, bes?"

"Wala akong naalala na may sinabi akong ganyan." walang gana kong sagot sa tanong ni Natasha.

"Sinabi mo kaya iyan noon! Sabi mo gusto mong manirahan sa lugar kung saan nasa ibabaw ng bundok ang bahay mo, napalilibutan ng mga punong kahoy, tahimik, malamig at malayo sa sibilisasyon kasama ang sinta mo."

"Ganoon ba? Okay. Hahanap muna ako ng sinta."

Biglang hinampas ni Kimberly ang palad niya sa mesa kaya sabay kaming napatalon ni Natasha sa aming kinauupuan.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon