Chapter Eleven

9.4K 433 167
                                        

Chapter Eleven

Anew

After that horrible nightmare on the rooftop, I tried to convince myself that everything is fine and that life goes on for me, Crayon, and Hunter. Kinabukasan, parang walang nangyari na gumising ako at naghanda ng pagkain para sa mga bata. Crayon was discharged in the hospital at that night kaya nakauwi na kami sa bahay.

Hindi alam ni Mommy ang kabaliwan na ginawa ko kahapon at wala akong plano na ipaalam dahil ayaw ko nang alalahanin ang pangyayari. Ikinakahiya ko ang sarili dahil doon. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naisip?

I didn't know what had gotten into me at the at time. Hindi sapat na rason ang naramdaman kong sobrang sakit para gawin ang hindi katanggap-tanggap na bagay na iyon.

That was unforgivable. Magpapakamatay ako dahil kay Nathaniel at isasama ko pa ang mga anak ko?

"Alicia Celestine, "

Nagtitimpla ako ng gatas para kina Crayon at Hunter nang makita ko si Mommy na lumapit sa akin sa kitchen counter. Tumayo si Mommy sa harapan ko tapos pinagkrus ang mga braso.

"Bakit, My? Gusto niyo po ng kape? Ipagtitimpla ko kayo."

Kumuha ako ng mug sa harapan tapos nagsalin ng kape mula sa coffee maker.

"Kumusta ang pag-uusap niyo ni Nathaniel kahapon?"

Ayaw kong pag-usapan si Nathaniel pero wala akong magagawa dahil sa ayaw at sa gusto ko, naging parte siya ng buhay ko. I have children with him. Hindi talaga maiiwasan mapag-usapan siya kahit pa anong pag-ayaw ko.

Ibinigay ko muna ang kape kay Mommy bago sumagot.

"Okay lang. Nagpaalam siya na titira siya sa ibang bansa kasama ang girlfriend niya. Buntis po kasi."

Masakit pa rin isipin. Masakit sambitin. Naluluha na naman ako kaya tumalikod ako at nagkunwaring naghugas ng kamay sa sink.

"Buntis?" Mommy echoed the word, surprised. "Ano ang reaksyon ng mga bata?"

Pumikit ako nang mariin at pilit na pinatigas ang ekspresyon ng mukha bago sumagot.

"Ayon... nasaktan..."

"Ikaw?"

Hindi ko na napigilan. Tumulo na talaga ang mga luha ko. Pasimple at mabilis ko iyong pinahid saka pinatay ang faucet.

Nagkibit-balikat ako bago hinarap si Mommy, suot ang mapait na ngiti.

"Masakit pero wala akong magagawa. Hindi ko alam, My. Dalawang taon na naman sana ang nakalipas pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako." Tumawa ako nang pagak. "Kaya ako ang palaging talo."

"Hindi ikaw ang talo sa inyong dalawa, Alicia Celestine. Kung may natalo man sa nangyayari sa inyo ngayon, kahit si Nathaniel alam na siya iyon."

Muli akong ngumiti nang mapait nang marinig ang sinabi ni Mommy.

"Bukod nasa kustodiya mo ang mga anak ninyo, hindi niya alam kung anong klaseng kayamanan ang iniwan niya at ipinagpalit sa iba."

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon