Chapter Twenty-Two

9.4K 411 391
                                    

Chapter Twenty-Two

Bet

Kung hindi lang namin kasama si Dad nahampas ko na sa bwusit na mukha ni Nathaniel Artiaga ang bulaklak na hawak ko. I just can't believe his guts.

I stared at him awfully. I probably look indigestion, for his eyes suddenly twinkled with delight.

"Ano? Anong sabi mo?" kunot noo kong tanong sa kanya sabay hinila ang kamay ko pero hindi niya binitiwan.

"Welcome to the organization." he mumbled confidently.

"May karugtong 'yong sinabi mo."

"The Mrs. Artiaga?" kampante niyang tanong.

Walang bakas ng hiya kahit nandito si Dad at nakikinig sa amin. Ang sarap talagang hampasin.

"Bakit? May problema ba tayo roon, misis?"

My mouth slowly parted. Hindi ako nakasagot. Wala akong nasabi o nagawa. Napanganga lang ako habang nakatitig sa kanya. Saan kaya napulot ng bayawak na ito ang klaseng kapal na ito ngayon?

"I guess there is none. Sir," nilingon niya si Dad. "It will be such a pleasure working with your daughter."

Tipid na tumango si Dad. "Please take care of her. Teach her everything that she needs to know. If you need to be harsh, you have my consent."

Muling umuwang ang labi ko habang nakatitig kay Dad.

"Dad,"

"It's for you own good, Alicia Celestine. Listen and focus, okay? I'll be going."

"Pero, Dad—."

"I'm going, Mr. Artiaga. Please take care of my daughter."

Nathaniel politely nodded. "I promise, I will, Sir. Thank you."

Tumango si Dad tapos tumalikod at lumabas ng opisina kasama ang dalawang bodyguard at ang ginang na sa tingin ko ay secretary ni Nathaniel. Nang masara ang pintuan at nang masigurado kong kami na lang ang dalawa na naroroon, mabilis kong hinila nang marahas ang kamay kong kanina niya pa hawak.

Pinagtangkaan ko siyang hampasin pero nang makita kong hindi man lang natakot at lumayo, hindi ko na itinuloy.

Bumuga ako nang maraming saka umayos ng tayo bago siya kinausap.

"Hindi rin masyadong makapal ang mukha natin, ano? Ano iyong pinagsasabi mo sa harap ni Daddy, ha?"

"Facts." he immediately replied. "Nothing but facts. What's that?

Tukoy niya sa bulaklak na kanina ko pa gustong ipanghampas sa mukha niya. At sa halip na sagutin ang tanong niya, tinanong ko siya pabalik.

"Bakit hindi ko ito alam? Kailan pa kayo naging business partner ni Dad?"

Dad is very silent when it comes to his work. They don't fancy sharing everything to me. Kung hindi ako magtatanong, hindi ko malalaman. Sanay na ako pero pakiramdam ko ibang usapan itong kay Nathaniel. Kung alam ko lang kasi na siya pala ang tinutukoy ni Dad na business partner, hinding-hindi ako papayag sa gustong mangyari nila ni Mommy.

"Ten years ago. When the company was on the brink of bankcrupty, your Dad offered me to use his money. But his money is not enough to salvage the company so I added mine. Binili namin ang kompanya na ito na dati-rati ay pag-aari ng pamilya ni Mommy."

I slowly twisted my lips. "Alam ba ito ng Mommy mo?"

Marahan siyang tumango. "Yeah."

Kaya pala ganoon na lang na ang galit at gigil ng Mommy niya sa pamilya namin.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon