Chapter Six

13K 476 158
                                        

Chapter Six

Talk

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang pauso ng bayawak. Ang alam ko lang nakainom ako ng maraming tubig at napahiya ng mga one thousand. Pero marunong naman akong lumangoy kaya hindi na ako naghintay na iligtas niya pa ako.

Para ano? Para magka-moment kami? Mahihimatay kunwari ako tapos dahil knight and shining armor ang drama ng bayawak, ililigtas ako at bibigyan ng mouth to mouth resuscitation? Diyan ako hindi makapapayag!

"Are you okay, hon?"

My brows automatically furrowed when I heard him asked me question that obviously needs no responding. Nahulog ako sa pool dahil sa kagaguhan niya tapos tatanungin ako kung okay ba ako?

Ang pinakanaiinis pa sa lahat, hindi man lang tumalon para magpa-impress kagaya ng mga typical na nangyayari sa gasgas na eksenang ito. Ibinaba niya lang ang hawak na gitara tapos lumuhod sa gilid ng pool at naghintay na iahon ang sarili ko.

Juskolord! Magwe-welga talaga ako kapag ang bayawak na ito pa rin ang makakatuluyan ko sa ending. Hindi! Like hinding-hindi talaga ako makakapayag!

"Hon, are you okay?"

"Mukha ba akong okay, demonyo ka!?" sigaw ko nang malakas sabay pinalo ang mga kamay sa tubig. "Ano? Sagutin mo ako! Mukha ba akong okay?"

"Uhm, no."

"O? Bakit nagtatanong ka pa? Bakit, ha?"

Muli kong hinampas ang tubig kaya muli siyang napapikit dahil muling tumalsik ang mga tubig sa mukha niya.

"Mali na pala magtanong ngayon?"

"Mali talaga!"

"Sagot lang, misis. Walang sigawan at hampasan. Come here."

Inilahad niya ang kamay niya at dahil syempre ma-pride ako, hindi ko tinanggap.

"Anong misis? At anong ibig sabihin niyan? Anong akala mo sa akin pilay para isipin mo na sa lahat ng panahon kailangan ko ng kamay mo?"

"Hindi. Kaya nga hindi na ako nag-abalang magpaka-hero dahil alam kong hindi mo na kailangan ang mga bisig ko."

I think he meant another thing about his statement. He is not suffering from any head trauma or injury. He is just pretending for the reason that I badly wanted to know.

"Rumarason ka pang, hudas ka. Bakit hindi mo na lang aminin na takot ka lang talaga sa tubig? Pwe!"

"Hindi takot sa tubig ang mga bayawak, hon."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil may nahanap akong gusot sa sinabi niyang iyon.

"Aminin mo nga sa akin ang totoo, Nathaniel Artiaga." Humalukipkip ako. "Wala kang amnesia ano?"

Kasi bakit naman alam niya na bayawak siya gayoong noong kami pa bini-baby ko naman ang peste na 'to.

"Sino ba kasing maysabi na amnesia ako? I'm completely thinking straight and normal. Halika na."

Hindi ko pa rin tinanggap ang kamay niya. Sa halip, inirapan ko siya at sinabuyan ng tubig sa mukha bago naglakad papalayo. Doon ako sa kabilang sulok umahon kung nasaan sina Natasha at Kimberly na mabilis akong inabutan ng tuwalya.

"Bes, okay ka lang? Grabe hindi naman namin alam na suicidal ka pala kapag kinikilig."

Mabilis kong tinignan ng masama si Natasha. "Bwusit kang, babae ka."

Humalakhak ito nang malakas kasama si Kimberly kaya mas lalo akong nabwusit. At ayaw ko nang magsalita dahil sa totoo lang sumasakit na ang lalamunan ko kasisigaw kaya pinili ko na lang na umirap at tumalikod.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon