Chapter Three

12.2K 503 215
                                    

Chapter Three

Hate

"Mommy, si Daddy po namin pupunta po ba?"

My boys kept repeating the same question over and over again  Mula paggising hanggang naligo, kumain at nagbihis. Pati sa loob ng taxi kinukulit pa rin ako kaya para manahimik na, sinagot ko na lang.

"Oo, mga anak. Pupunta ang Daddy niyo. Awat na sa kakatanong tungkol sa ama niyo dahil sumasakit ingrown ni Mommy."

"Si Daddy din po namin, Mommy, sumasakit ang panga kapag pinag-uusapan ka namin."

"Mabuti pa siya panga lang." Umismid ako bago tinignan ang dalawa. "Hindi niyo ba sinasali si Mommy sa usapan niyo palagi kapag lumalabas kayo ng Daddy niyo?"

"No, Mommy." Si Hunter ang sumagot. "Pinagbabawalan kami ni Daddy lalo na kapag kasama namin girlfriend niya."

"Bakit daw?"

"Kasi baka magselos daw, Mommy." Si Crayon naman ngayon ang sumagot. "Kaya para magselos every seconds namin mine-mention pangalan mo Mommy." pagpapatuloy nito sabay humalakhak.

Nakisabay rin si Hunter kaya ang gulo namin sa loob ng taxi.

Bumuntong-hininga ako ng malalim.

"Mga anak, huwag niyo ng gawin ulit iyon. Bad 'yon. Dapat respetuhin niyo pa rin girlfriend ng Daddy niyo."

Sabay na umismid at humalukipkip ang dalawa.

"No! Hindi namin siya like!"

"Pero love siya ng Daddy niyo. Kung sino ang love ni Daddy dapat i-love niyo rin, okay?"

"No!" sabay ulit na wika ng dalawa kaya napangiwi ako.

Kung si Nathaniel iniyakan ko, ang dalawang ito luluhuran ko yata. Hindi ko naman sana pinalaking spoiled ang dalawang ito pero kapag may bagay silang hindi nagustuhan at kapag nagdeklara ng no, no talaga. Kahit pa anong gawin kong pagmamakaawa at paggagalit-galitan, hindi ko napapasunod sa gusto ko.

"Bad ang babaeng iyon, Mommy. Inigaw niya sa'yo at sa amin si Daddy."

Natigilan ako sandali dahil biglang kumirot ang puso ko. Sandali lang dahil nakatingin ang mga anak ko sa akin. Magtatanong ang mga ito panigurado tapos kapag sinabi kong ang Daddy nila ang dahilan, mabubugbog na naman si Nathaniel Artiaga ng sarili niyang mga anak.

That happened, twice before. Nagulat na lang ako isang araw nang bumisita ang bayawak sa bahay na paika-ika. Hindi ko siya tinanong ng personal kasi syempre bitter ako. Dinaan ko sa mga anak kong proud naman na umamin na binugbog nila dahil pinaiyak ako. Mga sariling anak niya pa yata ang papatay sa kanya at hinding-hindi ako makakapayag. Ikamamatay ko rin iyon.

Proud na proud ako na Mommy nang magsimula ang play. Ang haba sa hair isipin na ang mga anak ko ang nakakuha ng lead role. Ang galing-galing pa umakting ng mga anak ko. Manang-mana talaga sa Daddy nila.

Iyon nga lang pati pagiging pasaway, namana rin sa ama, sa eksena kasi kung saan, iki-kiss na sana kunwari si Snow White, biglang dumura si Crayon at tumakbo.

Nabulabog ng malakas na tawanan ang loob ng auditorium. Hiyang-hiya naman ako lalo na sa ina ng batang umakto na si Snow White, may pahabol pa kasi na linya na "You're ugly, Snow White. I don't want to kiss you." ang pasaway bago lumayas sa stage.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon