Prologue

33.1K 694 132
                                        

Prologue

Sometimes I wished there was a realm beyond regret, which would bring me to a deeper understanding of myself, acceptance of my faults as a human, and acknowledgment of my shortcomings as a woman. I wanted to believe that regrets were my way of telling myself that something was wrong with me and that I needed to change; I needed to mature.

But now, when everything in my life is crumbling, I'm not sure. I'm currently going through the most trying phase of my life. Believing that I can grow in the version of myself that recognizes my strength is impossible. Trusting my potential to rebuild the most broken pieces is hard and beyond my comprehension.

I sighed deeply as I waited for my mother in the living room. Tulala akong nakatitig sa kawalan, binibilang ang bawat paghinga habang nag-iisip nang napakamaraming bagay. I initially thought about my twins Hunter and Crayon until my mind wandered somewhere.

"Tama na, Alicia. Pagod na ako."

Pinigilan kong huwag kumurap habang nakatitig kay Nathaniel na nakatayo sa harapan ko pero hindi ako magawang tignan sa mga mata. Gusto kong isipin na nabibingi lamang ako. Nagkamali lang ako nang naririnig at lasing lamang si Nathaniel. Hindi niya alam ang pinagsasabi niya. Bukas, kapag nahimasmasan, babawiin niya ang sinabi niya.

"Ano..." tumigil ako at tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan. "Ano ulit iyon?"

Nathaniel closed his lazy eyes firmly and when he opened it, his cold eyes were already fixed on me. Walang bakas ng biro ang mukha at ang mga mata nito na nakalimutan ko sandali na strong independent woman ako at hindi basta-basta umiiyak.

"Pagod na ako."

That was short but the impact to my system was unbelievably huge. Hindi ko napigilan ang mga tuhod na huwag manginig kasabay nang mabilis na pag-unahan sa pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.

Ito ang araw na pinakakinakatakutan kong dumating. Iyan ang mga salitang pinakakinakatukan kong marinig mula sa bibig ni Nathaniel.

Sa sakit ng naramdaman ko, hindi ko magawang magsalita. I just stared at Nathaniel's cold and expressionless face while trying to keep my tears at bay.

"Pagod na pagod na ako."

"S-saan ka napagod?" nanginginig ang mga labi na tanong ko sa kanya. "S-saan? Sabihin mo sa akin para maayos natin."

Nathaniel slowly shook his head and bowed down. "Hindi na natin ito maaayos."

"P-paano mo nasabi iyan kung hindi ko nga alam kung ano ang problema mo? Okay naman tayo, ah. Tampuhan lang naman ito."

"Hindi tayo okay, Alicia, alam mo 'yon."

Mabilis na muling nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko sa narinig.

"Pinipilit ko lang maging okay para sa mga bata. Pinipilit ko lang maging okay para isalba ang relasyon natin."

"P-pagod lang ako noong mga nakaraang buwan kaya kita napaparatangan. Alam kong wala kang ibang babae. Alam kong--."

"Paano kung meron nga, Alicia?"

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong niyang iyon dahil mas naunang huminto sa pagtibok ang puso ko na pakiramdam ko hindi ako makahinga kaagad.

"Paano kung meron, anong gagawin mo?"

"Me...meron ba?" lakas loob kong tanong habang lumuluha. "M-may iba ka bang babae? T-tunay ba na pinagtataksilan mo ako kaya hindi ka na tumatabi sa akin at hindi mo ako kailanman sinuyo?"

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon