Chapter Two

12.3K 433 118
                                    

Chapter Two

Move On

"Friends na kayo?"

The disgusting thought made me want to vomit. Nilingon ko si Natasha at tinignan ng nakangiwi bilang tugon sa tanong nito. Hindi ko alam kung anong magiting at mabuting bagay ang nagawa ko Nathaniel Artiaga habang dinaraos ang party para tanungin ako ni Natasha ng ganoong klaseng nakakahindik na bagay?

"Nino? Niyang ni Nathaniel Artiaga?"

Natasha nodded. "Yup."

"Like mukha ba kaming friends sa lagay na 'to? Nakita mo ba na nag-usap kami at nagtinginan?"

"Pero magkasama raw kayong dumating sabi ni Ate girl."

Tinignan ko nang masama si Kimberly na ngumisi. Magkasama kasi kami sa iisang table habang nasa hindi kalayuan naman nakatayo sina Ezekiel, Tod at Nathaniel karga ang kanila-kanilang mga anak. May dalawa pang lalaki na hindi ko kilala. Kilala nina Natasha at Kimberly dahil syempre pinakilala sa kanila ng mga asawa nila.

Isipin niyo 'yon, nagsama kami ng walong taon niyang si Nathaniel pero kahit alaga niyang ipis at daga hindi niya man lang ipinakilala sa akin. It didn't happen that he introduced someone important to me before.

He is homeless. Iyon ang pag-aakala ko kaya nga pinilit kong ibigay sa kanya noon lahat ng klase ng pagmamahal na maaaring maramdaman ng tao dito sa mundo. Hindi lang ako naging asawa, nagpaka-nanay din ako, nagpaka-tatay, nagpaka-ate, nagpaka-kuya at lahat-lahat because I wanted him to feel that he is not homeless but he is loved. 

Ganyan ako kadakila magmahal kaya sa tuwing napag-iisa ako, palagi kong naiisip na niloko niya man ako at least hindi ako nagkulang sa pagparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"Syempre dahil kailangan niyang sunduin ang mga anak niya. Alam niyo naman na feeling rick kid ang mga anak niyang iyan. Ayaw sumakay ng mga pampasaherong jeep dahil bawas pogi points daw."

Humagikhik si Natasha. "Alam mo bes, walang duda. Susunod sa yapak ng ama nila ang mga anak mo."

"Hayop ka, Natasha! Huwag naman sana!" mabilis kong bulalas na may kasamang sign of the cross.

Jusko, huwag naman sana talaga. Ipinanganak kong pogi ang mga anak ko kaya hindi ako makakapayag na maging bayawak paglaki.

Nagtawanan sina Natasha at Kimberly pagkatapos. Hindi halatang ang saya-saya nilang dalawa. Mabuti pa sila. Ako kaya? Kailan kaya ako makakalaya sa sakit para makatawa at makangiti na rin ako ng ganyan. I missed the old me. I missed being happy and carefree.

"Nga pala bes, kumusta ka na?" Natasha asked again.

Nagkibit-balikat ako. "Not feeling well as usual."

"Patawarin mo na kasi para happy na tayong lahat."

"Walang kapatawaran ang ginawa sa akin ng bayawak na iyan, Kimberly, kaya hindi na baleng kumain ako ng sama ng loob araw-araw, hindi ako magpapatawad. Saka humingi rin naman ba ang bayawak na iyan ng kapatawaran hindi naman!"

Marahas kong kinuha ang wine at nagsalin kahit wala sana talaga akong planong uminom dahil naisip ko kanina na kapag nalasing ako ngayon walang mag-aalaga sa akin pagdating sa bahay.

Kawawa ang mga anak ko. Sila ang mapiperwisyo. Useless din naman magpakalasing dahil kinabukasan bayawak pa rin naman si Nathaniel Artiaga sa paningin ko.

"Hindi ba?" Kimberly asked, surprised.

"Hindi. Ganyan kakapal ang balat niyan kaya nga bayawak tawag ko riyan."

Pinuno ko ang baso ko at nilagok ng isahan kaya sabay na napasinghap nang malakas sina Natasha at Kimberly. Pakiramdam ko racumin rat killer ang nainom ko kaya bumagsak ako sa mesa pagkatapos.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon