Chapter Nineteen
Date
After Hunter and Crayon left for school, I spent the day lying in bed and scrolling through social media. Inabala ko ang sarili sa pagbasa ng mga memes, pagpuna sa post ng mga so-called friends ko sa facebook at pakikipag-chat kay Natasha.
To: Natasha
Naalala mo ba 'yong blockmate natin sa college noon, bes? Si Risa?
From: Natasha
Ha? Nakasabay ba natin sa pag-aaral si Risa Hontiveros noon? Ay, hala! Siya 'yong girl na mahilig sumagot at bumatikos sa prof natin noon sa Philosophy? Omg! Sinong mag-aakala na maging senadora na siya ngayon? Hindi ko pa naman siya binoto.
I sighed after reading Natasha's reply.
To: Natasha
Gaga. Hindi si Risa Hontiveros ang tinutukoy ko.
From: Natasha
Sino pala? Si Maria Ressa? Huwat? Siya 'yong panalo palagi ang essay writing sa PolSci? Iyong bonggang-bogga ang pronunciation sa tuwing nag-i-english? Ay, naku! Flat 1 palagi grade niya sa english noon, bes. Kay Prof. Duterte lang siya naka-tres.
From: Natasha
Mamatay ka na, Natasha.
Matagal akong nakatanggap ng reply. Nai-seen lang ang message ko. Malamang sa malamang hindi na iyon makahinga sa katatawa.
Seconds after, I already received a reply. Ang daming HAHAHA. Hindi ko mabilang.
Nag-chat akong muli kay Natasha.
To: Natasha
Si Risa na blockmate natin noon. Hindi ko na maalala ang apelyido. Ibang pangalan ang gamit niya sa facebook. AsirYasyagamus iyan ang account name niya.
From: Natasha
Kapotek-potekan sa lahat ng potek talaga ang mga taong gumagamit ng facebook na binabaliktad ang pangalan. Binigyan sila ng magandang pangalan ng kanilang mga magulang hindi para bababuyin nila pagdating sa facebook.
Humalakhak ang ako nang mabasa ang reply ni Natasha.
To: Natasha
Ano sa tingin mo ang apelyido, bes?
From: Natasha
Sumagaysay. Hayop na 'yan. Sumakit ang ulo ko pag-analyze.
Muli akong humalakhak habang nagta-type ng reply.
To: Natasha
Matalino ka pala, bes? Hindi ko alam. Pero seryoso, bongga na pala iyang si Risa ngayon, bes. Milyonarya na dahil nakaasawa ng matandang kano na natipok matapos ng kasal nila kinabukasan. Parang dati-rati lang nahuli pa iyan ng teacher natin na nangungodigo. We can never can tell talaga.
From: Natasha
Tologo? E, 'di ganda na siya ngayon?
To: Natasha
Oo. Kardashian ang peg ni atii! Mapapa-sana ol ka na lang, bis!
From: Natasha
Hapi for her, bes. Kumusta na kayo Nathaniel?
I pursed my lips after reading the last statement.
Wala talagang pag-uusap o pagcha-chat namin na hindi nasasali si Nathaniel. Hindi naman sana siya relevant.
To: Natasha
Okay naman kami.
As much as possible kapag si Nathaniel ang topic hindi ko pinapalawak. I always keep my answer neutral ang simple.

BINABASA MO ANG
Now All That's Left is Dust
General FictionTraditionally, every story should end in matrimony. But not for Nathaniel and Alicia, for theirs has begun with the end of their marriage. At first, they both thought they had found something permanent. But after a devastating annulment, the struggl...