Chapter Seven

12.5K 468 139
                                        

Chapter Seven

Friends

Iyon na ang huling pag-uusap at pagkikita namin ni Nathaniel dahil bukod sa umiiwas ako, tinotohanan niya ang sinabi niyang hindi niya ako lalapitan o kakausapin pang muli pagkatapos naming mag-usap.

Nagpupunta siya rito kapag kinukuha niya ang mga bata. Iyon lang ang alam ko. Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ko alam kung may amnesia pa ba siya kunwari o wala na.

Basta ang alam ko kinikilig ako sa mga pocketbook na binabasa ko. Pakiramdam ko in love na rin ako kahit hindi talaga. Dahil ang totoo talaga napupunyeta pa rin ako sa ama ng mga anak ko. I don't understand. Ang akala kapag nakapag-usap na kami ni Nathaniel mababawasan na ang poot at galit ko sa kanya. Hindi pa rin pala. Sa totoo lang, mas lalo pa ngang lumalim.

"Mommy, pinagtataguan mo ba si Daddy namin?"

Ibinaba ko ang tingin sa pocket book na binabasa nang mapansin ang pagpasok ng kambal at ang sabay nitong pagtalon sa kama para lumapit sa akin.

May nakita akong gatas sa mga labi kaya pinahid ko muna bago sumagot.

"Bakit niyo naitanong?"

Humalukipkip si Crayon tapos lumabi. "Kasi iyon ang sabi ni Daddy namin. Pinagtataguan mo raw siya kahit hindi naman siya bombay. Bakit, Mommy? Bakit mo pinagtataguan si Daddy namin?"

"Dahil pangit ang Daddy niyo. Ayaw ko siyang makita."

"Hmp!"

Napakurap ako sa biglang pag-ismid ni Hunter.

"Kung pangit si Daddy namin, ibig sabihin pangit din kami ni Crayon, Mommy? Kasi magkasing-pogi naman kami ni Daddy."

"Hindi. Pogi kayo kasi love kayo ni Mommy."

"Pero si Daddy hindi mo love? Si Daddy din hindi ka niya love, Mommy. Kaya raw hindi na kayo pwedeng mag-get back together. Hindi namin maintindihan, Mommy. Hindi ba, Hunter?"

Mabilis na tumango si Hunter. "Uh-oh! Wala kaming maintindihan kaya lalayas na lang kami. Hindi kami babalik hangga't hindi kayo magkakabalikan ni Daddy. Tara, Crayon! Kunin natin si Natey Boy. Bye, Mommy!"

"Ano? H-hoy!" mabilis akong tumayo at sinundan ang dalawang tumakbo papalabas at nagpunta sa kwarto nila.

Naabutan kong kinuha ang spiderman na maleta nila at nag-alsa balutan nga kaya ganoon na lang ang pagkasawi ko. Mabilis na tumulo ang mga luha ko lalo pa at naalala ko ang panahon na umalis si Nathaniel sa bahay namin.

"M-mga anak, huwag niyong iwan si Mommy please. Mamatay si Mommy kapag wala kayo sa piling ko." Dahan-dahan akong lumapit sa dalawang nag-aagawan ng brief. "M-mga anak please. M-maawa kayo kayo kay Mommy. Crayon, hindi iyan sa'yo kay Hunter iyan."

"Sabi ko na kasi akin, 'e. Lahat ng nakatuwad si Spiderman akin 'yon!"

"Nakatuwad lahat si Spiderman dito! Ibig sabihin nito, wala akong brief?"

"H-huwag kayong mag-away. S-si Mommy na mag-iimpake."

Marahan kong hinawi ang mga ito at ako na nga ang nag-impake ng sarili nilang mga gamit habang umiiyak. Ganito nga talaga siguro ang maging ina. Iyong kahit sobrang nasasaktan ka, gagawin mo pa rin ang bagay na alam mong magpapakasaya sa mga anak mo.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon