Chapter Eight

12.4K 505 215
                                    

Chapter Eight

Pain

"Mommy, wake up! Wake up, Mommy! Wake up!"

I haven't gotten enough sleep in the last few days. Pilit ko sanang binabawi pero panira talaga palagi sa trip ng Mommy nila itong mga anak ni Nathaniel Artiaga. Kinaumagahan, binulabog na lang ako ng malakas na sigaw nilang dalawa at walang humpay na pag-alog ng kama.

"Mommy, wake up!"

"Hm?" I mumbled sleepily as I forced my eyes open. "Anong oras na?"

"It's six o' clock in the morning! Hindi pa kami nakaligo ni Crayon, Mommy, dahil ayaw namin magpaligo kay Nanny. Gusto namin ikaw 'di bale ng sleepy ka pa."

"Love na love niyo talaga si Mommy, ano?"

"Yes, Mommy! Love na love ka namin!"

Mahina akong natawa bago dahan-dahan na bumangon.

"O, kiss niyo na si Mommy bilis. Para mawala antok ni Mommy."

Sabay naman akong hinalikan ng dalawa sa pisngi. Iyon nga lang mabilis na lumayas at lumabas ng kwarto ko pagkatapos.

Cute! My babies are so cute. Manang-mana talaga sa akin.

Umiiling-iling na napangiti ako habang bumabangon at naglalakad na parang wala sa sarili. Lutang na lutang ako. Hindi sapat ang tatlong oras na tulog para buhayin ang katawang lupa ko.

Nakapikit pa ako habang naglalakad kaya hindi na ako nagtaka kung bakit sa dingding ako dumiretso. Dalawang beses akong tumama sa pintuan ng mga kwarto na nadaanan ko pero hindi pa rin iyon nagpagising sa akin.

Sa pangatlong beses, iyong hindi na dingding ang tumama sa mukha ko ang nagpatigil sa akin.

"Walwal pa more."

Mabilis akong napaayos nang tayo at napamulat kahit ang bigat-bigat ng talukap ng mga mata ko.

Nathaniel Artiaga snorted and shook his head as he stared at me. Parang nakaapak ng tae at nainsulto ako kaya mahina kong sinipa ang binti.

"Ouch! Ano ba, Alicia?"

"Gago ka. Bakit ganyan ka makatingin at anong ginagawa mo rito, ha? Sinong nagpapasok sa'yo?"

"Iyong doormat niyo sa labas. Tsk! Sana talaga hindi na lang ako pumunta."

Hindi ko pinansin ang pagpaparinig niya dahil mas concern ako sa sinabi niyang pinapasok siya ng doormat namin. Pati naman sana doormat sinabak ko sa madugong seminar na 'Strictly no bayawaks allowed.' kaya nakapagtataka kung bakit siya nakapasok.

"Anong doormat? Paano ka pinapasok ng doormat gayung na-brief ko na naman iyon na bawal magpapasok ng bayawak."

"Ha? Nagbi-brief mga doormats niyo rito?"

Muli ko siyang sinipa sa binti. "Siraulo."

"Aray! Ano ba, Alicia? Masakit na, ah?"

"Bagay iyan sa iyo. Badtrip ka. Panira ka ng araw. Bayawak. Kinakausap ka ng matino."

"Nagtatanong at sumasagot din naman ako ng matino. May nakasulat na 'welcome' sa doormat niyo kaya pumasok ako."

"Gano'n? Iyong doormat ang hiningan mo ng pahintulot? Hindi iyong may-ari ng bahay. Pwes! Lagot ka ngayon. Dad!"

Mabilis siyang nag-panic kaya napangisi ako. "Alicia!"

"Dad! May gago na nakapasok di—."

Hindi ko natapos ang pagsigaw dahil bigla niya akong hinila, tinakpan ang bibig ko at inipit ako sa kili-kili niya. Walanghiya! Bastos!

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon