Chapter Twenty

9.7K 410 334
                                        

Chapter Twenty

Sign

I get up very early in the morning. I've been thinking about Nathaniel and his confession from last night. Dagdag pa roon ang katotohanan tungkol sa estado ng kasal namin. To be honest, I'm not sure what to feel. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay na ito? I thought that as soon as I moved on, everything in my life would be smooth and easy.

Bakit parang mas naging komplikado ang lahat? Mukhang nagkamali ako sa pagpapasok muli kay Nathaniel sa buhay ko. Nararamdaman kong paglalaruan na naman ako ng bayawak.

Last night, he sounded serious and appeared sincere. I would have been taken in by his words if I hadn't guarded my heart and learned my lesson.

I shook my head and went downstairs to make myself some coffee. Hindi ko inaasahan na makita si Mommy sa kusina kaya medyo nagulat ako. Mommy's smile was the sweetest. Nakakapanibago na nakakakilabot. Hindi kami nagkita at nagkausap kagabi dahil pagdating ko, tulog na silang dalawa ni Daddy.

"Okay ka lang, My? Naimpatso ba kayo?"

Maarteng ibinaba ni Mommy ang tasa sa kitchen counter at tinignan ako. Naroon pa rin ang matamis na ngiti. Ano kaya ang nakain ng ina kong ito?

"Anong naimpatso, anak? Sa ganda ng ngiti ng Mommy mo, mukhang naimpatso sa tingin mo?"

"Kaya nga. Bihira lang kasi kayong ngumiti ng ganyan. Pinakilig ba kayo ni Daddy? Ayieh!"

Mabilis na bumagsak ang mukha ni Mommy. "Walang ganyan ang Daddy mong iyon, Alicia Celestine. Asa ka pa! Kumusta ang date niyo kagabi ni Nathaniel?" Mommy changed the topic.

Nandoon na naman ang nakakalibot na ngiti. Nakakaloka! Shipper ba itong si Mommy sa amin ni Nathaniel?

Nagkibit-balikat ako saka nilampasan si Mommy at nagpunta sa kitchen counter.

"Okay lang."

"Nag-kiss kayo?"

I made a face while attending to the coffee maker. "Eww! Hindi ano."

Pumunta si Mommy sa harap ko at curious akong tinignan.

"Kung maka-eww ka, Alicia Celestine, parang hindi ka nasarapan sa tao noon. Bakit hindi?"

"Bakit kami maghahalikan kamo? Wala namang kami."

Kumuha ako ng mug at nagsalin ng kape sa coffee maker.

"Malay natin. Baka may nausog na damdamin habang nagkasama kayo."

"Akala ko ba ayaw niyo kay Nathaniel, My?"

"Ang ina ni Nathaniel ang hindi ko gusto. Sa totoo lang, hindi ko rin talaga gusto iyang si Nathaniel dahil sa pananakit niya sa'yo at sa mga apo ko noon. Pero kung siya ang kaligayahan ng anak ko, bakit naman ako kokontra? Si Natalia ang kontrabida rito, hindi ako."

"Mommy," mahina kong sambit nang nakangiti.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Mommy. "Ano?"

"I love you!"

"Dapat lang. Muntik akong mamatay nang ipinangak kita." paismid na pahayag ni Mommy sabay maarteng binuksan ang kanyang pamaypay.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon