Chapter One

18.8K 532 148
                                        

Chapter One

Alikabok

"Kuya, isang libo ang pera ko. May barya ka ba?"

Sa totoo lang wala talaga akong isang libo. Kahit pa nga bente pesos. Walang-wala talaga ang kagandahan ko ngayon kaya lihim kong pinapanalangin na sana wala itong barya. Ang plano ko ay ang umutang sa kung sino mang makita kong ka-opisina ngayon. Pa-effect lang iyong sinabi ko para syempre tunog gandara pa rin kahit ang hirap na talagang gumandara.

After my separation with Nathaniel, life for me is very hard. Palaging kulang ang sweldo ko pantustos ng araw-araw na pangangailangan namin ng mga anak ko. Tapos ang utang ko, kasing lalim din ng hugot ko kay Nathaniel Artiaga kaya gabi-gabi akong hindi nakakatulog nang maayos. Isama mo pa ang katotohanan na ang lungkot-lungkot matulog mag-isa sa gabi na walang kayakap at katabi.

Mahirap pala kapag nakasanayan mo na. I wasn't informed with the fact. It's been two bitter years but I'm still not used to it. Hanggang ngayon nagigising pa rin ako sa kalagitnaan ng gabi na umiiyak dahil sa lungkot at pangungulila.

"Isang libo?"

Napakurap ako at muling napadasal nang marinig ang boses ng taxi driver.

I always told myself not to get emotional whenever circumstances like this happens but I still couldn't stop myself. Sa tuwing may nangyayaring hindi maganda, napapa-emo kaagad ako at napapaisip ng kamatayan ni Nathaniel Artiaga. Siya ang palagi kong sinisisi sa mga kamalasan ko sa buhay.

Pero sa totoo lang, hindi maganda sa pakiramdam maging bitter. Iyong kaligayahan mo naka-depende sa isang tao. I honestly didn't like having this ill kind of feeling towards Nathaniel. But what can I do when this is the only way to save myself from pain?

"Naku. Wala ho, Ma'am. Maaga pa po. Kayo po ang unang pasahero ko."

Nakahinga ako nang malalim sa narinig. Sa mga pagkakataon din na ito nasasabi kong hindi pa rin talaga ako pinaka-kawawang hampaslupa sa mundo. Mahal pa rin pala ako ng Panginoon kahit gaano kamakasalanan na nilalang.

"Hintay lang, Kuya, ah? Manghihiram muna ako ng pera."

Mabilis akong lumabas at napalinga-linga sa paligid. Maraming akong empleyado na nakikita pero ni isa wala akong kilala kaya nagsimula na naman akong maloka. May mga dumadaan na naman na kilala ko pero kasi lahat nautangan ko na at hanggang ngayon hindi ko pa nababayaran.

Ngayon ko na-appreciate ang kahalagahan nina Natasha at Kimberly sa buhay ko. Kung kailan kasi kailangan na kailangan ko sila, nandoon na sila sa bisig ng mga asawa nila. Masayang namumuhay na parang mga reyna samantalang ako heto, bitter pa rin at forever na empleyada.

Ang security guard na lang ang huling alas ko kaya kinapalan ko na lang ang makapal na makapal ko nang mukha. Umutang ako ng one hundred pesos. Pinautang naman ako kahit halatang nag-aalangan dahil siguro narinig na rin ang kumakalat na issue tungkol sa akin. I was known in the whole building as one. Palautang na hindi marunong magbayad. I am not oblivious about the issue.

Pero para hindi na madagdagan ang stress ko pilit na lang akong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan. Wala naman akong planong i-quits sila. Gusto ko naman talagang bayaran pero nagigipit talaga ako palagi.

Hindi naman pwede unahin ko sila sa pagbayad tapos iyong mga anak ko walang kakainin. Babayaran ko naman talaga sila. Maghintay lang sila, tatama rin ako ng lotto at maipapalibing ko rin ng buhay si Nathaniel Artiaga.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon