Chapter Ten

13.7K 491 307
                                        

Chapter Ten

Agony

After that shattering argument with Nathaniel, I had to stay in the hospital because Crayon's fever hadn't gone away. I'm glad I have my mother by my side at times like this. Hindi ako masyadong nahihirapan at napapagod.

Kahit nakakapagod na talaga. Nakakapagod magmukhang okay at hindi nasasaktan sa harap ng mga magulang at anak mo. Ang hirap magpigil ng mga luha habang ngumingiti. Higit sa lahat, ang hirap huminga. Pakiramdam ko may nakadagan na mabigat na bagay dito sa dibdib ko.

I wish there were a love code or a secret we could learn to save ourselves from pain. But then I realized that if I hadn't gone through what I had, I would have ended up with the wrong person. I wouldn't understand what I deserve if I hadn't been broken in love. But, above all, I wouldn't learn to fight, let go, and move on from people who aren't right for me.

There is a reason for everything. And it's not true that 'time heals all wounds'. Hindi rin sagot ang paghahanap ng panibagong mapupusuan para alisin ang galit at sakit dito sa puso ko.

Healing does not happen by itself. I must make it happen. So there's no need for me to run away from the pain. Instead, I should confront it, feel it, and be angry. Hindi ko dapat pansinin ang sinasabi ng iba. This is my life, my pain. So, my rules, my say.

"Alicia Celestine,"

Inangat ko ang tingin at tinignan si Mommy nang marinig ang pagtawag nito sa akin. Binibihisan ko si Hunter ng t-shirt nang mga sandaling iyon dahil pinagpawisan kahit wala naman sana itong ginawa kun'di ang makipag-away sa kapatid niyang si Crayon na nakatulog.

Hindi pa kasi maganda ang pakiramdam ni Crayon. Mainit pa at konti lang ang kinakain. Medyo mahina rin pero ang lakas makipagbangayan sa kapatid niyang si Hunter. Hanggang ngayon kasi nag-aaway pa rin sila dahil ang mga pogi raw hindi dapat magkasakit.

"Bakit, My?"

Lumapit si Mommy sa akin at umupo sa tabi ko sa couch kung saan ako nakaupo.

"Bakit hindi ko pa nakikitang bumisita si Nathaniel dito?"

Natigilan ako nang bahagya sa narinig pero hindi ko pinahalata. Hindi alam ni Mommy ang nangyaring pagsusumbatan namin kagabi ni Nathaniel at wala rin talaga akong planong ipaalam dahil alam kong pagagalitan lang ako.

"Baka busy."

"Busy? E, may sakit ang anak niya. Ngayon pa siya wala kung kailan kailangan siya." Maarteng pinagkrus ni Mommy ang braso at binti bago ako tinignan nang nakataas ang kilay. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Alicia Celestine?"

Mabilis akong umiling para magkunwari. "Wala naman, My. Anak, kunin mo 'yong shoes mo. Samahan mo si Mommy na mamili sa labas."

Mabilis na tumakbo si Hunter at kinuha ang sapatos niya sa ilalim ng kama ni Crayon. Nang lumapit sa akin, binuhat ko at pinaupo sa couch at sinuotan ng sapatos.

I was silently praying that my mother would stop talking. But I'm not so favored. May hugot yata talaga siguro ang langit sa akin.

"Sigurado ka? Bakit, namamaga iyang mga mata mo?"

Inangat ko ang tingin at tinignan si Mommy. "Mamaya na tayo mag-usap, My. May not like ours."

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon