Chapter Nine
Unfit
"W-what?"
Nathaniel's voice was strained, and his expression was indescribable when he looked at me. Hindi ko mawari kung galit ba siya, nagulat o nasasaktan? Imposible 'yong huli dahil hindi naman siya marunong masaktan kaya siguro galit siya.
Galit siya dahil alam kong hindi niya inaasahan na gagawin ko ito sa kanya. Kung tutuusin, I've been so generous to him when it comes to our children. Ang ibang mga ina na iniwan at niloko, pinagdadamot ang mga anak nila.
Ako lang yata sa lahat ng sinaktan ang pinakamabait at ngayon ko lang 'yan naisip. Gustuhin ko man kasi na gawin hindi ko magagawa dahil alam kong hahanapin siya ng mga bata. Sapat nang nasaktan ko sila sa paghihiwalay namin ng daddy nila. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon na umiiyak ang mga bata tuwing gabi dahil hinahanap siya.
Pero kung ganito lang din naman. Kung sasaktan niya lang din naman ang mga anak ko, mas mabuti pang wala silang Daddy kung ganoon.
"W-what did you say?"
"Layuan mo kami ng mga bata dahil simula ngayon wala ka ng mga anak." matigas kong ulit sa mga salita habang tinitignan siya nang masama.
His face turned sour. Sasagot na sana siya pero biglang dumating sina Mommy at Daddy.
"Alicia Celestine!"
Sabay namin na naibaling ang tingin sa pinto nang maramdaman namin ang tumatakbong presensya nina Mommy at Daddy.
"Anong nangyari?" Mommy asked worried.
Tumakbo ito papalapit sa kama at sinalat ang noo ni Crayon.
"Diyos ko! Bakit ang taas ng lagnat ng apo ko? Anong nangyari, Alicia?"
Nilingon ako ni Mommy. Nang makita ang hitsura ko mas lalong nagpanic.
"Anong nangyari sa inyo? Bakit basa kayo pareho? Umuwi ka na muna, Alicia Celestome. Magbihis ka baka ikaw naman magkasakit. Kami na muna ni Daddy mo ang bahala rito. Sige na. Umuwi ka. May driver sa labas."
Tahimik kong ginawa ang sinabi ni Mommy. Kumilos ako at naglakad papalabas pero nang dumaan ako sa gilid ni Nathaniel upang lampasan siya bigla niyang hinuli at hinawakan ang palapalsuhan ko.
Alam kong nakita ni Dad ang ginawa niya dahil mabilis na nagkasalubong ang mga kilay ni Dad.
"Mr. Artiaga,"
"I'll take your daughter home, Sir."
"Hindi." Mabilis kong salungat. "May driver sa labas."
Binawi ko ang braso ko pero hindi niya binitiwan. Mas lalo niya pang hinigpitan kaya kunot-noo ko siyang tinignan.
"A-ano ba? Bitiwan mo ako."
"I'll take you home." He looked stern before turning around to look at my Dad. "Sir, allow me. Please allow me."
Deep inside I was praying na hindi pumayag si Dad dahil alam ko kung ano ang mangyayari sunod nito. Magsusumbatan at magsisigawan na naman kami. Ang I don't want to do it again. Ayoko na. Sawa na ako. Pagod na ako.
Dad was quiet for a split of seconds. Pareho kaming tinitigan nang maiigi at pinapakiramdaman.
"Sir, please."
"Okay. Go forth and bring her home."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "D-dad,"
"Home, Mr. Artiaga." matigas na saad ni Dad sa kanya. "Home."
Tumango lang si Nathaniel at lumabas na ng kwarto habang hila ako. Gusto kong magpumiglas pero ayaw kong ipaalam sa mga magulang ko na may alitan na nangyayari sa aming dalawa kaya nagpahila ako sa kanya hanggang sa tuluyan kaming lumabas.

BINABASA MO ANG
Now All That's Left is Dust
General FictionTraditionally, every story should end in matrimony. But not for Nathaniel and Alicia, for theirs has begun with the end of their marriage. At first, they both thought they had found something permanent. But after a devastating annulment, the struggl...