Chapter Twenty-Nine

7.2K 219 188
                                        

Chapter Twenty-Nine

Past

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang kinausap ako ng Daddy ni Alicia. Pinili kong kalimutan ang pangyayari kagaya nang ginawa kong paglimot na nakilala ko ang isang katulad niya. Hoping that maybe someday will meet in a far away Universe where everything is okay and where 'right and wrong' is not a choice of ethics and morality but just a fucking mood.

The thought made me to look at Mom in her table. Marami akong gustong itanong at linawin kay Mommy pero hindi ko alam kung saan magsisimula at paano gagawin? Asking Mom's question is also digging up the past and I definitely don't want to hurt her by doing so.

"You're friends with Judge Alfonso Calderon, Mom?"

Bago ko pa mapigilan ang sarili, lumabas na sa bibig ko ang katanungan na nagpatigil kay Mommy sandali. Mom's fingers flinched and winced slightly. Pero nagpatuloy lang si Mommy sa pagbabasa na parang kaswal na bagay lang ang narinig.

"We're batchmates in the law school. He's the Magna Cum Laude of the batch. Did you meet him at the hospital?" Mom asked without raising her head.

"Yeah." I quietly said. "And he told me something."

Dumako ang tingin ni Mommy sa couch kung saan ako naroroon at nakaupo.

"He told you something?"

I gently nodded. "Yes."

"What is it?"

I mentally counted five seconds before I replied.

"Nahimatay raw kayo sa gitna ng pag-uusap niyo."

"Oh?" Mom slowly closed the book. "I didn't have my breakfast and lunch that day."

Hindi na ako nagsalita at pinanuod lang si Mommy na nag-aayos ng mga gamit niya hanggang sa tumayo.

"Let's go. It's getting late."

Pagkatapos nang nangyari, salitan na kami ni Daniel na sinusundo si Mommy dito sa opisina niya. Actually, the doctor advised her to stay at home and have herself rested. But Mom is always that stubborn. Nagpumilit pa rin itong magtrabaho at magpunta rito sa opisina niya araw-araw. Mom won't, wouldn't and can't stay at home no matter what's at risk.

Naalalala ko nang bata ako. Nilagnat ako sa school at umiiyak habang hinahanap si Mommy kaya tinawagan ng teacher si Mommy at pinakuha ako. May kumuha sa akin pero hindi si Mommy kun'di driver niya lamang. Hindi rin ito umuwi nang araw na iyon para alagaan ako at yakapin kagaya ng inaasam kaya wala akong ginawa buong araw no'n kun'di ang umiyak.

Madaling araw na itong umuwi. Pinuntahan lang ako sa kwarto sandali at tinignan ang temperatura ko. I wanted her to stay in my bed and hug me until the morning comes and 'til my fever fades away but she didn't. Simula noon ayaw na ayaw ko nang magkasakit.

Noon, hindi ko maintindihan si Mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit ang layo-layo niya sa aming magkakapatid? I don't understand why there's always that gap? That distance? That barrier? Iyong pakiramdam na nakakasama mo siya araw-araw pero hindi mo mahawakan at maabot.

If I didn't conduct an investigation myself, I wouldn't know and understand.

Mom... is a rape victim and Daniel and I were the living wounds. Doon ko pa naiintindihan kung bakit ayaw ilapit ni Mommy ang sarili niya sa amin. Siguro sa tuwing nakikita niya kami ni Daniel, naalala niya ang malagim niyang kahapon. Kaya ayaw niyang manatili sa bahay para mag-alaga sa amin dahil ayaw niyang maalala ang mga masamang pangyayari sa buhay niyang nagdulot ng klase ng sugat na walang kahit na anong gamot ang makapaghihilom.

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon