#WUM4

34.4K 1.7K 713
                                    

#WUM4

I was a bit bothered when we reached the Lucky Spot. Damon fetched me and Riva, masaya pa sa sasakyan kanina pero habang papalapit sa bar ay nakaramdam ako ng bahagyang paghilab sa aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit, hindi iyon sa karamdaman. I just feel swirly for unknown reason, I feel... nervous?

The bar was rowdy and the people were so pumped up while having the night, I was just silently sitting next to Damon; they were talking about random stuff and people as their subject.

"Sabi ni Forest, gusto na raw niyang bumalik! Uwing-uwi na si gaga!"

"Bored na bored na raw siya sa Hong Kong."

"Can't blame her, I don't really like Hong Kong that much! Ewan ko ba kay Forest kung bakit sumama pa sa parents niya roon!"

"Natatawa nga ako sa tweet niya, Batangas pa rin daw! Loyal!"

Forest is one of our closest friends, too. Siya iyong best friend ni L simula pagkabata at naging malapit din sa akin noong ipakilala ako ni L last year. Nasa Hong Kong siya ngayon kasama ang parents, doon sila naninirahan. Forest was living alone in Batangas since she was high school with L here.

"Tama lang iyon, ngayon alam na niya. Baka hindi na 'yon sasama pabalik kila Tita next time!"

I leaned forward to get my water and sip on, I don't drink alcoholic beverages before my set because my throat would surely strain. Kahit paninigarilyo, though, I don't usually smoke. Dumadalas lang kapag may gumugulo sa isip ko.

"It's Friday! Yes! We can drink all night until tomorrow!" L shouted enthusiastically. "Come on, guys! No KJ, okay?! Magwalwal tayo, tapos na ang midterms!"

Nagtaas ng kamay si Riva hawak ang bote ng alak at nakisigaw kay L hanggang sa nakisali rin sila Bowen at Damon sa ingay.

"Yeah! I hate school days so bad! Bubuhos ako ngayong Friday hanggang mamatay!"

I chuckled quietly.

Me, too. School is getting boring especially that I don't really like what I'm taking in college. Nag-aaral lang ako para may matapos, wala akong makitang direksyon doon at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sarili. The future is still blank in my vision, I can't even see myself finishing college.

Hera hasn't finished college yet but she's homeschooled while modeling, Mommy told her to finish her remaining years in Business program. Iyong tatlo pang matandang kapatid namin ay tapos na sa pag-aaral at nagmo-modelo. Tyra and Shan were both Fine Arts graduate and Agape finished Business Administration just last year. Si Agape iyong walang pakealam sa lahat, madalang naming makita pero madalas pasyalan at kumustahin ni Mommy sa Paris. She's the most favorite.

Sa adoptive parents lang namin siya may pakealam, kami parang hindi niya kilala.

"Handa na akong umalalay sa mga lasing!" ani Bowen.

"Hoy! Hindi ako madaling malasing!"

"Si Sorcha yata iyon!"

"Iyong namumula agad sa ilang tagay tapos kunwari magyoyosi sa labas para makatakas at uuwing mag-isa! Kaya bantayan niyo 'yan! Pagtapos ng gig niya, iinom 'yan!"

They laughed along the blaring music, I just shrugged at the fact. That's true, I'm not really a hard drinker, madali akong maapektuhan ng alak pero marunong ako mag-kontrol kaya hindi pa ako umabot sa puntong wasted umuwi, hindi katulad nila L at Riva na nakakatagal nga sa inuman pero walang natitira sa sarili at magrereklamo kinabukasan.

Dahil sa kanila rin kaya ayaw kong uminom ng husto, madalas kasi nawawalan sila ng alaala kinabukasan. Ayaw ko mangyari iyon sa akin. They happened to do embarrassing things because of drunkenness then forget it the next day.

Epicenter Tape #3: Wind Up MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon