#WUM7
I moved into the room I rented after two days, Riva and L didn't let me leave the party they prepared last time with their new friends and Forest brought Beau with Echo. It was actually an annoying night, I even pretended drunk so I could already sleep at Riva's room because I didn't feel the people we were with.
Though, I had no right to complain because it was Riva's place.
"Ayos ka na rito, 'no? Kapag may kailangan ka o nasirang gamit, puntahan mo lang ako sa ibaba para maayos agad," pagpapaalala sa akin ng owner habang nakatayo sa pintuan. "May mga pamangkin at anak ako na mag-aayos."
I nodded a bit. "Thank you."
I already paid the rent and deposit, I got cash from my savings. Nag-withdraw ako noong bago pa maisara ni Mommy ang card ko. Hera gave me card under her name so she could transfer anytime but I'm not really spending it when I don't need it much.
She smiled and nodded, too. She looks nice pero mabilis yata siyang ma-offend sa paraan kong makipag-usap, parati siyang napapangiwi sa mga tipid kong responde.
"O, siya, bababa na ako at nag-aalaga pa ako ng apo ko."
Nagpasalamat ako sa kanya.
Iniwanan niya ako sa kuwarto, sinara ko ang pinto at inayos ang mga damit ko sa hanging cabinets. I don't have anything, even a chair. Pagtapos maglipat ng mga damit sa cabinet ay nag indian-sit ako sa lapag habang pinapasadahan ng tingin ang room.
I sighed.
Mabuti na lang at hindi kamahalan iyong upa, ang sabi ni Ajax ay three thousand pero pinaupahan sa akin iyon ng two thousand three hundred dahil kaibigan ko raw si Ajax.
I chuckled to myself. The benefit of being friends with him, huh? Hindi naman kami magkaibigan talaga.
Hera: I sent you money to buy things you needed there.
My phone beeped; I saw she transferred thirty thousand pesos. My jaw dropped, I typed a reply immediately.
Ako: This is too much, Hera!
Saan ko gagastusin ang ganito kalaking pera? Isa pa, anong sasabihin niya kay Mommy kapag na-trace iyong gastos niya?
Hera: Are you already at the room? Send me a pic of your room. Wala pang bed diyan, right? Huwag kang matutulog sa sahig, masama 'yon.
Napalunok ako, Hera's acting more like a mother than my adoptive mom.
Hera: Also buy a mini fridge. Patingin nga muna ng room mo para alam ko kung anong mga ilalagay mo. Paano ka kakakain? Hindi ka marunong magluto.
Ako: I can eat anywhere else. Stop worrying about me!
She wasn't as bothered as this when I stayed at Riva's apartment, mas gusto niya talaga iyong may kasama ako kahit papaano at hindi siya nag-aalala masyado kung paano ako kakain at mabubuhay sa araw-araw. Riva and L were always updating her about us and my whereabouts, ngayong mag-isa ako ay hindi na iyon mangyayari dahil hindi naman ako nag u-update kay Hera.
Hera: Why did you even choose a room lang? Dapat apartment or condo unit na lang! I told you I can cover up for you.
Ako: Hindi naman kasi ako parating nasa kuwarto lang, Hera. I'll be always out with friends as usual, nothing will change. Ganoon pa rin, lumipat lang ako ng matutuluyan. May gigs every night. Matutulugan lang ang habol ko.
Hera: I'm still worried, call me OA. I don't care. Pagbalik ko riyan, hahanap tayo ng apartment mo sa mas safe na area.
Hera: You should be careful around you. I heard from Riva and L that it isn't an ideal area for you. I don't wanna judge your choice of place but be careful, alright? People are bad.