#WUM6
"Girlfriend mo?" the woman in thirties asked straightforwardly after Ajax talked to her and asked about the rooms, nakababa iyong salamin sa tulay ng ilong niya habang nakatingin sa amin.
My cheeks heated up while Ajax scratched his nape; chuckling boyishly.
"Hindi pa—" he cleared his throat guiltily. "Hindi, Ate Angie. Sinamahan ko lang, po. Finding room for rent daw siya, e. Nakita niya 'yong gate niyong maganda at hindi pa kinakalawang masyado."
I put on a straight face, he's damn crazy! Why would he say that?!
"Mapipinturahan din iyon, Chandler! Maghintay ka!" singhap ng babae habang nakangiwi at nahihiya. "Ang tamad kasi ni Nestor, nagpapalaki ng bayag sa papag!"
"Hanep, rhyme lord si Ate Angie!" tukso ni Ajax.
I almost face-falmed, tipid akong nailing sa sarili habang nakikinig sa kanila.
Naninibago ako sa ganitong biruan pero siguro ay malapit lang talaga sila kaya ganoon, parang barkada lang. Hindi ko kasi nabibiro ng ganyan iyong mga ka-edad ni Mommy na amiga niya kapag nasa amin noon, they were all formal and sophisticated. I always get intimidated by them. I couldn't even talk to them straight, I was afraid to be judged.
Puwede pala iyong ganito sa ginagawa ni Ajax.
"Ikaw talagang bata ka!" kinurot siya noon sa tagiliran saka kami nilampasan at naglakad. "Ipapakita ko muna ang kuwarto sayo kung magugustuhan mo, anong pangalan mo ulit? E, nakakaintindi ba 'yan ng Tagalog, Chandler?"
"Opo, magaling mag-Tagalog. Medyo bulol lang sa ibang words."
Kahit gusto ko siyang samaan ng tingin ay hindi ko ginawa at nagtimpi na lang.
Nagulat iyong owner at nilingon ako. "Talaga ba? Saan ka ba lumaki? Mukha kang Amerikanang sirena! Ang ganda mong dalaga!"
"Sa Pilipinas din, po," simple kong sagot.
Bata pa lang kami noong dalhin kami rito ng adoptive parents namin kaya sanay akong mag-Tagalog, ni hindi ko pansing nabubulol pa ako sa ibang salita. Masyado lang sigurong ma-puna si Ajax.
"Wow! Anak ka ba sa Pinay at Kano ang tatay mo?" tanong noon ulit.
Hindi ako sumagot, hindi ko naman alam ang lahi ng tunay kong magulang pero ang sabi ni Hera ay pure Irish ako dahil ganito raw ang itsura noong mga Irish. Doon lang kami bumase.
I blinked as I felt my chest straining from the question that I couldn't answer.
"Basta, anak siya, Ate Anj." Ajax chuckled.
I slightly turned my head to look at him, he was just looking in front while we're following her to the alleyway. At the dead end was a stairway to the rooms; iyong pinapaupahan nila. May limang palapag iyon at dalawang seksyon, sa ibaba ay batid kong apartment at sa itaas iyong mga kuwarto.
"May mga room for rent na rin pala kayo," ani Ajax habang umaakyat kami. "Akala ko apartment lang."
"Naisipan lang ni Ange kasi marami raw estudyanteng kuwarto lang ang hanap! Kakapagawa lang noong fifth floor para sa mga kuwarto at hindi pa naman puno!"
"Ilang pinto, po?"
"Sampu lang naman, papadagdagan namin kapag lumaki-laki pa ang kita!"
"Bakit po hindi niyo pa pinapagawa iyong gate niyo?"
My cheeks numbed. Seriously? Ako iyong nahihiya sa tanong niya! Galit na galit siya sa gate ng compound, ah? May issue ba siya sa gate na kinakalawang?