#WUM30

36.7K 1.7K 956
                                    

Use the ht every ud on twt :)

#WUM30

Ajax and I have been going a lot better, especially after my indirect confession that I didn't think he understood correctly. Hindi ko in-expect na sobrang dali lang kiligin ni Ajax at minsan nangungulit siyang ulitin ko iyong sinabi ko noong nakaraan lalo na kapag bumibisita siya pagkatapos ng gigs niya sa gabi o madaling araw.

"Thank you, Jacques," I said as I went out of his car.

Tinanggap ko iyong offer niya sa aking sumama sa kanya sa gigs sa sumunod na linggo kasi iyong kaibigan niyang owner ng bar sa Cavite ay matagal na raw akong gustong makilala. We've had sets together but he was giving me more opportunities to be known at the bar he introduced me into.

"No problem," Jacques said. "Please, don't thank me. It was all on you."

I chuckled a bit. "But really, thank you. And to your friends."

Jacques was the first one to text me about gigs after days when I got fired from Lucky Spot. Suwerte ko pa ring matatawag iyon dahil namroblema ako ng ilang araw kung anong gagawin.

Bahagya siyang yumuko para makausap ako ng maayos mula sa loob ng sasakyan niya habang nasa labas ako.

"Oh, right! They want you to be on Winter's birthday too, did they tell you earlier?"

"Yeah." I smiled curtly.

May mga naging kaibigan din tuloy ako roon gaya noong couple na investors din sa branch at ang owner na member ng Black Stallion band. The bar was quite luxurious and chill than Lucky Spot. Hindi ganoon kaingay at karami ang mga tao pero mas malaki ang talent fee sa performers ng Skyren sa Cavite. O baka dahil kay Jacques lang din.

I was glad that I got more comfortable with Jacques, too. I was really thankful for the gigs he gave me this week. It felt a better place for me.

His eyes squinted with a hint of confusion.

"Are you in love, Sorcha?"

Medyo gulat ako sa tanong niya.

Am I in love? Didn't I just confess that to myself? Yes. But I won't tell that to Jacques. Pero ganoon na pala kahalata iyon. Siguro dapat bawasan ko na lang. It felt embarrassing to be this exposed.

Natawa siya at nailing.

"I'm just kidding! You just look more appealing these days because you seemed... nice?"

"Hindi ba ako mukhang nice noon?"

Humalakhak siya. "You looked literally nice lang, but too stiff."

Bahagya akong nangisi at tumango.

"I get it."

I could notice the changes of my attitude but that was nothing compared when I was with Ajax. Mukhang nadadamay na rin ang ibang tao sa maliit na pagbabago ko.

Ajax made this version of me so this should be only with him. Right.

Narinig ko ang busina ng sasakyan ni Bowen sa likuran. Malamang si L iyon kasi siya ang kumakaway at nanunukso habang nakadungaw sa bintana.

"Huy, tama na 'yan! Kanina pa kayo magkausap, ah! Selos na 'ko!"

Jacques just laughed. "See you tomorrow, then."

I nodded and walked a bit backwards. I waved at L and Bowen, too.

Maaga ang schedule namin madalas dahil ayaw raw niya umabot sa madaling araw. Alas siyete hanggang alas dose ng madaling araw lang ang tinatagal namin sa bar na iyon. Madalas ding sumasama sila L, Bowen, Damon at Corvy.

Epicenter Tape #3: Wind Up MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon