#WUM28
Naghintay ako sa sasakyan.
I saw Kees standing near the convenience store's glass door while drinking on a bottled water. His eyes were cold as he looked sideways. I guess, he was used to wear dress shirts and pants? Obviously. I haven't seen him in a T-shirt yet. Madalas siyang nakaputi o itim na dress shirt pero iba-iba ang designs noon. Mayroon magkaiba ang kulay ng sleeves o kaya kuwelyo pero puti at itim lang din ang nagsasama.
Maybe he likes white since his guitar is pure white except the red strings. Si Hesper nakita ko na ring nagsuot ng dress shirt pero hindi kasing formal tingnan kay Kees.
I snorted at the thought. Because he likes to wear it messily like leaving the buttons open or whatever his trip.
Pinitik ko paalis si Hesperus sa isip.
Don't they have a set?
Narinig ko nga palang alas dose pa ang set nila mamaya pero bakit pala nandito agad sila?
Nagbuntonghininga ako. Ramdam ko pa rin ang nerbyos sa loob ko pero alam kong safe ako rito.
I told Ajax about what happened earlier. I was really gonna tell him about it since he helped me out without even asking.
Galit siya sa akin kanina pero tinulungan niya pa rin ako.
"Are they hurting you physically before?" he asked with a hint of worry and anger.
"Sometimes," tipid kong tugon.
Simula nang mag seventeen ako ay hindi na ako palasunod sa mga kagustuhan nila. Mommy was always demanding what I must wear in every day to look good. It felt like we had a dress code every day, and it was uncomfortably weird because she was obsessed with it. Dumating sa puntong pakiramdam ko ay manika na lang talaga kami para sa kanya.
Nakakatakot.
"Paano ka nakatagal sa ganoong mga tao?" Iling niya saka hinaklit ang isang daliri ko para tingnan ang ilang parte ng braso. "Sinaktan ka ba kanina?"
Huminga ako nang malalim at umiling.
"Aren't you mad at me?"
Tinimbang ko ang pagbabago ng ekspresyon niya pero parang bula na nga ang galit niya noong huli naming pag-uusap dahil mas kita ko ang pag-aalala niya sa akin.
"Mamaya na lang uli 'yong galit ko." Umismid siya habang patuloy ang pag-ikot sa braso ko para i-check. "Pangit ng adoptive parents mo, ang sasama ng ugali. Sana pinaampon ka na lang sa amin ni Mama."
My heart softened that it felt crying in my chest. Tinago ko ang panlalambot sa pagtaas ng kilay.
"I don't think you'd want me to be your sister?"
'Yong tuwa ko kay Ajax ay mas lalo lang nadaragdagan dahil sa mga pinagsasabi niya. I knew that he would never want me to be his sister but hearing this from him makes me feel wanted in a family.
He lifted his sharp eyes.
"Hindi naman kita ituturing na kapatid. Papahiram ko lang si Mama sa'yo para may mabait kang mama pero hindi ako a-approve na maging step-sis ka." Umakto siyang tila nadisgusto at nag-sign of the cross. "Never nangyari 'yan sa panaginip ko. Dios ko, h'wag naman sana. Naghalikan na kami ni Sorcha—"
Tinulak ko ang mukha niya sa pag-iinit ng pisngi ko. Tumawa siya at kalaunang nagtuon uli ng seryosong tingin sa akin. Tinukod niya ang siko sa itaas ng backrest at hinilig ang kanyang sentido sa kamao saka lumabi.
"You feeling alright now? O natatakot ka pa rin?"
"Did they leave?" I asked.
Kung wala na sila, mas mapapanatag ako.