#WUM10

35.5K 1.9K 837
                                    

#WUM10

I was stunned to the point I couldn't get to speak for seconds while looking at him with lines of confusion on my forehead.

"Let's take this moment, make my dream so real—don't wake me up 'til you fall in love..."

At the end of the minute, it was unexpected song lyrics that left me in a wind of shock. Even after hearing him sing, my heart couldn't stop beating. I might be shocked but I didn't know my heart could pound this wild because of someone's words.

Tumitig siya sa akin at tila hindi inasahan ang reaskyon ko, normal na malamlam iyong mga mata niya pero hindi ko nakitaan ng guilt kaya marahil totoong liriko nga lang ang mga sinabi niya kanina.

Bakit ko ba kasi masyadong sineryoso?

"Ayos ka lang? Maganda ba masyado 'yong lyrics?" bahagya siyang natawa.

Miski tanong niyang iyon, walang anino ng pang-aasar o anuman. I sighed to escape from my shock and embarrassment, I cleared my throat.

I nodded. "Okay, leave."

Naiinis ako, hindi ko maintindihan kung bakit biglang uminit ang ulo ko kahit na ako lang naman talaga iyong may ganitong reaksyon sa amin dalawa, ako lang iyong nag-assume. It's just so annoying to hear those words because they were new to me for some reason, I found myself feeling the butterflies in the stomach they always call.

"Huh? Galit ka ba?" nangunot ang noo niya habang nakatingin sa aking mukha at naninimbang.

I shook my head, hiding my annoyance in the shadow.

Ngumiwi siya. "Sige, uuwi na ako. Baka masapok mo pa ako maya-maya lang."

Inismiran ko siya at pumasok sa kuwarto, yumuko siya upang abutin ang pusa at nagpaalam doon. I caught him glancing at me while I was ready to close the door; he pouted a little then stood up again.

"Okay lang bang pumunta rito after ng gig?" parang maamong tuta niyang tanong, umiiwas ng tingin sa mga mata ko.

"Anong gagawin mo rito?" bakit niya ginagawang tambayan ang corridor dito.

Hindi siya makakahanap ng dahilan kung hindi lang napansin iyong pusa sa paanan niya.

"Dadalawin ko siya." Mahina niyang tawa at tumango-tango.

Inis ako sa kanya kaya umiling ako.

"Wala 'yan dito tuwing gabi."

He sighed. "Sa rooftop na lang, maganda doon pag gabi."

I arched my brow. Is he trying to make me come with him there? Or he just shared it?

"Wala, hindi kasi ako makatulog agad. Aabangan ko lang 'yong sunrise sa taas." He chuckled.

"Bakit ka nagpapaalam sa akin, hindi sa akin ang building. Sa owner ka magpaalam."

He clicked his tongue with a frown, I smirked privately. Annoy me and I'll annoy you, too. Mas gusto kong napapasimangot ko siya para mabawasan din ang iritasyon ko.

"Pero siyempre gusto ko kasama ka."

Damn it.

I gave him a serious look, never minding the rebellion in my chest; I don't know if he's bluffing or what again. Never again I'd believe him.

Tumikhim siya at kumurap-kurap, may bakas ng ngisi sa mapulang labing kagat niya kanina.

"To be honest, I wanna let you hear the song I sang earlier. Bahala ka kung ayaw mo, sayo ko lang ipaparinig sana, e. Sayang naman, once in a lifetime mo lang 'yon. Swerte mo na."

Epicenter Tape #3: Wind Up MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon