(A/N: Hello! Ito po ang sequel ng kuwento ko na 'A virgin's oath'. Nailimbag po ang kuwentong ito sa Pad of Writers, Writers Sanctuary. Sana ay magustuhan niyo ^^, )
Nasa kolehiyo na ako ngayon. Bagong eskuwelahan, bagong mga kaibigan, bagong buhay. Sana naman, makalimutan ko na ang nakaraan. Kanina pa ako naglalakad pero hindi ko makita ang building ng department namin. BS.Architecture kasi ang kinuha ko. Kanina pa ako naglalakad nang biglang may tumama sa akin na bola ng basketball.
"Oops! Sorry." Lumapit ang isang lalake sa 'kin. Matangkad siya, tamang-tama para maging basketball player. Mahaba ang buhok na parang nasa anime, chinito, matangos ang ilong, manipis at kulay pink ang mga labi. Pinagmamasdan ko siyang mabuti nang makita ko ang pag-ngisi niya. Doon ko lang napagtanto na kanina ko pa siya tinititigan. Bumusangot na lang ako para itago ang pagkapahiya.
"Ang laki-laki ng gymnasium, bakit hindi kayo maglaro roon? Nakakasakit kayo ng tao!" sigaw ko.
"Sino iyan Dylan? Bagong member ng fans club mo?" Nagtawanan ang mga kasama ni no'ng lalaki. Nakakairita sila pero hinayaan ko na lang.
"Saan ba 'yong architecture building?" nagtanong na lang ako sa kanya.
"Sa two-storey building na nasa kanan." sagot ng lalaking Dylan daw ang pangalan.
Nagpasalamat ako at umalis na. Pumasok ako sa building at hinanap ang magiging classroom ko. Madali lang hanapin dahil nasa unang palapag lang iyon. Umupo ako sa bandang likuran ng kuwarto at dumukmo.
"Good morning class."
Narinig kong bumati ng magandang umaga ang mga kaklase ko kaya idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa harapan. Isang lalaking medyo may katabaan ang nasa harapan, siya siguro ang propesor namin.
"Welcome to Redwood University. Dahil unang araw ng klase, pupunta kayo sa harapan para magpakilala."
Isa-isang pumunta sa harapan ang mga kaklase ko. At sa huli, ako na lang ang natitira. Pumunta ako sa harapan at ngumiti.
"I'm Claire Scarlet Soliven, seventeen years old from St.Mary Academy. Sana ay maging kaibigan ko kayo."
"Ano naman ang vital statistics mo?" tanong nang lalaking mukhang hoodlum. Siniko pa siya ng katabi niyang lalake at nag-ngisian sila.
I just rolled my eyes at umupo na, kunwari wala akong narinig. Nagsimula na ang klase. Binigay ng teacher namin ang mga drawing materials at tools na dapat namin bilhin, tapos nagbigay ng assignment.
BINABASA MO ANG
One shot stories compilation
RandomStories available here: -Hoping for a happy ending -A virgin's oath -My virgin girlfriend -Ingatan mo ang pamilya ko, Panginoon -Ang forever ng lolo at lola ko -Torpe problems -Pakipot problems -Ang Dalaga na naging Ina -Ayoko na maging bitter! all...