Ayoko na maging bitter!

282 7 0
                                    

      "Walang hiya siya! Hayop! Walang kwenta! Nakakainis siya!" Pinagpipilas ko ang mga litrato namin ni Jake at hinayaang nakakalat ang mga ito sa sahig.


Kinuha ko ang isang gunting at ang malaking teddy bear na binigay sa'kin ni Jake. Itinaas ko ang dulo ng gunting dahil balak kong gupit-gupitin ang laruan nang bigla na lang may bumatok sa'kin.


      "Aray!" Napahawak ako sa likuran ng ulo ko.


      "Ano bang ginagawa mo diyan, Ginger?" tanong ni Ate, siya siguro ang bumatok sa'kin.


      "Hindi pa ba halata? Imu-murder ko ang teddy bear na ito!"


      Inagaw sa'kin ni Ate Anette ang gunting at inilagay sa ibabaw ng lamesa. "Umayos ka nga, baka masugatan ka pa sa paggamit mo ng gunting. Engot ka pa naman."


      Ngumuso muna ako bago nagsalita. "Huwag ka ngang mangialam, Ate! Ibigay mo na sa'kin ang gunting. Pagpipira-pirasuhin ko ang teddy bear na ito! It only reminds me of Jake!" Naiiyak kong sabi.


      "Naku po! Nagdrama na naman siya. It's been six months, Ginger. Subukan mo naman kayang mag-move on? Hindi nakakamatay iyon."


      "Anim na buwan pa lang Ate. Hindi ba pwedeng kamuhian ko muna siya hanggang gusto ko. At isa pa, naranasan mo na bang makipag-break sa'yo ang boyfriend mo nang walang dahilan?"


Nagsimula na naman ako mag-emote. Itinaas ko ang dulo ng t-shirt ko para mapunasan ang tumulo kong luha. Sobrang sakit kasi! Bakit nagawa iyon sa'kin ni Jake?


      "Gumamit ka nga ng panyo Ginger, para kang bata." Ibinato sa'kin ni Ate Anette ang panyo at tumama iyon sa mukha ko.


      "Ano ba iyan ate, huwag mo naman ihagis sa mukha ko!"


      "Ewan ko sa'yo. Iyang mga basura na ikinalat mo, itapon mo na. Kapag bumalik ako dito sa kwarto at makalat pa rin, itatapon din kita sa basurahan."


Kainis naman si Ate, panira ng moment! Kinuha ko ang walis at nilinis ang kwarto namin. Magkahati kasi kami ng kwarto sa bahay. Mabilis kong naitapon ang mga basura na ikinalat ko.


Ano nang gagawin ko? Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Ano bang masama sa nararamdaman ko? Masama ba ang maging bitter? Masakit eh, ganoon talaga.


Napapalatak na lang ako. Bumangon ako at naligo. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako sa sala. Nakita ko si Ate Anette na nanunuod ng music video ng Exo. Kpop fan ang baliw kong Ate, anime lover naman ako.


      "Saan ka pupunta? Maglalagalag ka na naman?"


      "Pupunta lang ako kila Apple. Bye 'te!"


      "Goodbye! Huwag ka nang bumalik para mawala ang panget dito sa bahay."


Aba! Ako na isang Dyosa na bumaba sa lupa para magsabog ng kagandahan ay sinabihang panget? Lapastangang nilalang! Lumapit ako sa telebisyon at pinatay ito, biglang nagalit si Ate at binato pa ako ng unan. Mabuti na lang nakailag ako at nagtatakbo palabas ng gate. Tumingin ako sa likuran, buti na lang hindi na ako hinabol ni Ate Anette. Nakahinga na ako ng maluwag. Tawa na lang ako nang tawa sa reaksyon niya.


      Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay nila Apple. Nakatira kami sa iisang subdibisyon at ilang bahay lang ang pagitan ng tirahan namin. We're childhood friends. Best of friends.


Pagdating sa tapat ng bahay nila, pumasok na ako kaagad. Para na rin nila akong kapamilya at sanay na ako na pumunta sa kanila. Dito kami laging naglalaro noong mga bata pa kami, kapamilya na ang turingan namin sa isa't isa. Nakita ko si Tita Menchi na nakaupo sa sofa.


One shot stories compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon