Ang dalaga na naging Ina

328 8 0
                                    

Nakangiti ako habang tumitingin sa sarili kong repleksyon sa salamin. Dahan-dahan kong hinahaplos ang maumbok kong tiyan. Limang buwan na ang sanggol na dinadala ko. Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako sa dapat kong gawin. Kapag nalaman ito ni nanay, tiyak na magagalit siya ng husto, baka itakwil niya ako. Bumuntong-hininga na lamang ako at umupo sa kama ko.


"Baby, huwag kang mag-alala. Aalagaan at poprotektahan kita kahit na ano ang mangyari," bulong ko.


Tumayo ako at binuksan ang maliit na sari-sari store na ginawa ko sa harapan ng nirerentahan kong apartment. Buwan-buwan akong pinadadalhan ni Nanay ng pera. Nagtatrabaho kasi siya sa Hong Kong bilang domestic helper. Nakokonsensya ako sa ginawa ko, alam ko kung ano ang tama at mali pero nagpadalos-dalos ako. Kaya ito, sa edad na labing-anim, isa na akong dalagang ina.


"Dessa, magkano ang safeguard? 'Yung naka-sachet?" si Aling Maria, ang mabait kong landlady.


"Kinse pesos po." Ibinigay niya sa'kin ang bayad at umalis na.


Umupo ako sa plastik na bangko. Hindi ko mapigilang isipin ang buhay namin ni Nanay noon. Nanggaling sa mayamang pamilya ang Nanay ko, pero tulad ko, maaga siyang nabuntis. Itinakwil siya ng buong pamilya niya at para namang bula na biglang nawala ang ama ko. Kahit hirap sa buhay, pinanindigan ako ni nanay. Inalagaan niya ako at pinalaki ng maayos. Bata pa lamang ako, naikwento na sa'kin ni nanay ang buhay niya. Magsilbi daw sanang aral sa'kin ang mga pinagdaanan niya.


Dalawang taon na ang nakakaraan, umalis si Nanay para mangibang-bansa. Ayoko siyang umalis pero kailangan. Halos wala na kaming makain at lahat ng pangangailangan namin ay hindi na niya maibigay. Napakaliit kasi ng sahod niya noon sa pabrika. Malaki ang tiwala sa'kin ni Nanay na gagawin ko ang mga bilin niya kaya panatag siyang umalis, pero binigo ko siya.


Ngayon, problema pa ang ibibigay ko sa kanya kapag umuwi siya. Katulad ng aking ama, hindi ako pinanindigan ni Raymond. At ang masakit, niloko niya lang ako.


Nang malaman kong buntis ako, kaagad kong pinuntahan si Raymond sa bahay nila. Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin. Sa aking pagkabigla, nakita kong naghahalikan si Raymond at ang matalik kong kaibigan na si Sandra. Para bang sinaksak ng isang laksang sibat at kutsilyo ang puso ko. Ang mga taong minahal at pinagkatiwalaan ko, sinaktan at niloko lang ako.


Biglang umagos ang mainit na mga luha sa mga mata ko. Masakit, napakasakit ng nangyari sa'kin. Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik ako kay Raymond para sabihin ang tungkol sa bata. Buong akala ko matutuwa siya, pero hindi, matinding pagkadismaya ang bumalatay sa kanyang mukha. Pinaalis niya ako sa kanilang bahay at itinatwa ang bata. Kung ano-ano ang ibinintang niya sa'kin. Hindi daw siya ang ama ng anak ko pero alam kong alam niya, at alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Raymond. Hindi ko kayang magtaksil sa kanya.


Gamit ang panyo, pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. Kailangan kong maging matapang. Paninindigan ko ang anak ko, hindi ko kailangan si Raymond. Tumayo ako at kinuha ang walis-tingting. Nagsimula akong magwalis sa paligid.


"Dessa..." iniangat ko ang mukha ko.


"Nanay?" Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Nakatitig siya sa tiyan ko.


"Welcome back po 'Nay. Bakit hindi kayo nagsabi na dadating ka'yo?" Lumapit ako para magmano.


"Pumasok tayo sa loob, magpaliwanag ka." Napakalamig ng boses ni Nanay. Ako na ang bumuhat sa bagahe niya, ramdam ko ang matinding kaba. Pagpasok ko sa loob, agad na nagtanong si Nanay.


One shot stories compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon