"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
"Oo. Mahal na mahal kita, Alex. Hindi ako magiging masaya kung hindi ikaw ang makakasama ko habang buhay." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal din kita, Lucy."
"By the power vested in me, I now pronounced you husband and wife." Binigyan kami nang basbas ng pinuno.
Malakas na palakpakan ang narinig ko sa buong paligid. Puno ng pagmamahal ang mga titig ng aking asawa. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.
Dahan-dahan niyang idinampi ang kanyang labi sa'king leeg. Isang kagat ang naramdaman ko at ang mainit na pagdaloy ng dugo papalabas sa aking katawan, para akong unti-unting namamatay. Nagdilim ang aking paningin pagkatapos kong hugutin ang aking huling hininga.
* * * *
Nang magising ako, mukha ni Alex ang una kong nakita. Hinawakan niya ang kamay ko at masuyo itong hinalikan.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, mahal ko?"
"Ayos lang ako, Alex. I've never been better." Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama.
Ngayon ko lang napansin ang mga pagbabago na nangyari sa'kin. Ang dati kong kutis na mamula-mula ay parang tinakasan ng kulay, napakaputla. Malamig ang aking katawan na para bang sa isang patay. Sinubukan kong tignan ang sarili ko sa salamin pero wala akong makitang repleksyon. Wala akong ginawa kung hindi hawakan ang aking mukha pero wala pa rin akong makita.
"Ganyan talaga sa umpisa mahal ko, masasanay ka rin Lucy."
Tama siya, masasanay rin ako. At isa pa, ginusto ko ito. Tinalikuran ko ang pagiging tao para makasama si Alex, ang asawa ko. Nakita kong may isinalin na pulang likido si Alex sa kopita mula sa isang bote. Naamoy ko ang sariwang dugo. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkauhaw.
"Uminom ka muna nito Lucy." Inabot niya sa'kin ang kopita.
Kinuha ko ito at dahan-dahang ininom ang laman. Ramdam ko ang pagdaloy nito sa aking lalamunan. Naubos ko ang lahat ng laman ng baso pero nauuhaw pa rin ako.
"Maligayang pagdating sa aming mundo Lucy." Lumapit sa'kin si Alex at hinalikan niya ko sa mga labi.
Tama siya, iba na ang mundong ginagalawan ko ngayon. Hindi ko na magagawa ang mga bagay na kinasanayan ko noon. Hindi na ako makakatayo sa harap ng sikat ng araw. At simula ngayon, nakadepende na lang ako sa pag-inom ng sariwang dugo. Isa na akong bampira katulad ni Alex. Isa na ako sa mga nilalang na nabubuhay sa kadiliman ng gabi.
Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa pader, alas-syete na ng gabi. Tumayo ako sa kama at sumunod kay Alex. Kakain na raw kami.
Pagdating sa hapag, nakahain ang maraming pagkain na puro karne. Luto naman ang mga ito, hindi katulad ng mga napapanuod ko sa pelikula na itim at puti lang ang kulay. Umupo ako sa harap ng mahabang lamesa, sa tabi ni Alex. Nagsimula kaming kumain. Paminsan-minsan, pinipisil ni Alex ang kamay ko kapag napapansin niyang nag-iisip ako ng malalim. Ngumiti na lang ako at kinalimutan ang mga alalahanin. Ano ba ang dapat kong pangambahan? Nandito si Alex sa tabi ko, hindi niya ako iiwan mag-isa. Tinalikuran ko ang pagiging tao, ang pamilya at mga kaibigan ko para sa lalaking mahal ko. Masaya ako sa naging desisyon ko, wala akong dapat alalahanin pa.
Naging masaya ang bawat araw na lumipas sa piling ni Alex. Halos hindi ko namalayan na tatlong daang taon na ang lumipas simula nang ikasal kami. Nasaksihan na namin ang lahat. Gyera, sigalot, away, kahirapan, tag-gutom, at ang unti-unting pagbangon ng tao papunta sa modernong pamumuhay at teknolohiya na tinatamasa nila ngayon.
BINABASA MO ANG
One shot stories compilation
OverigStories available here: -Hoping for a happy ending -A virgin's oath -My virgin girlfriend -Ingatan mo ang pamilya ko, Panginoon -Ang forever ng lolo at lola ko -Torpe problems -Pakipot problems -Ang Dalaga na naging Ina -Ayoko na maging bitter! all...