(A/N: True story po ito. At nirequest ng bida na sana happy ending. Kaya, let's all hope for a happy ending para sa kanila ^___^ )
Myeins POV:
Ako si Myeins Gabriel, 17 years old. May boyfriend ako, Jimuel Dizon ang pangalan niya. Ka-close ko rin ang best friend niya, si Alvin Corpus.
"Bhe, hindi ako makakasama bukas sa swimming pero sasama si Alvin sa inyo. Siya ang magbabantay sa 'yo."
"Magbabantay sa 'kin? Bakit? Wala ka bang tiwala sa 'kin?" naiirita kong sagot sa kanya.
"Hindi naman sa ganoon, bhe. Baka kasi may lumandi sa 'yo roon," tumahimik na ko para hindi na humaba ang usapan.
"Gabi na! Hindi ka pa ba uuwi?" pagtataboy ko sa kanya.
"Uuwi na rin ako, bhe. I love you." Tinangka niya kong halikan pero umiwas ako.
Tinignan ko lang siya habang papaalis sa bahay namin. Hindi ko siya mahal. Pero mas tamang sabihin na minahal ko siya noon, hindi na ngayon. Sobra kasi ang pagiging seloso at overprotective niya sa 'kin. Ilang beses ko nang binalak na makipaghiwalay pero tinatakot niya ako na magpapakamatay siya. Hindi naman kaya ng konsensiya ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Hinayaan ko na lang ang ganitong set up namin.
* * * *
Pumunta kami sa isang resort para mag-swimming. Nagdala ng radyo 'yong isa sa kasama namin kaya nagpatugtog kami sa cottage. Halos walang tao sa resort kaya ayos lang.
Alvin's POV:
Nakita ko si Myeins na nakaupo lang sa gilid ng pool. Tahimik na nakikinig sa musika mula sa maliit na radyo. Napangiti ako nang maisip ang isang ideya kaya naman nilapitan ko siya.
"Can we dance?" tanong ko sa kanya.
Tumayo naman siya at pinaunlakan ang pag-aaya ko. Doon kami sa gilid ng pool. Nakahawak ako sa bewang niya habang nakalagay sa mga balikat ko ang mga kamay niya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko, tama ang lahat ng nangyayari. Girlfriend ng best friend ko ang babaeng kasayaw ko pero sa mga oras na iyon, masaya ako, kasabay ng nararamdaman kong guilt. Mayamaya, hinilig niya ang kaniyang ulo sa dibdib ko.
"Sana hindi ito malaman ni Jimuel," sabi niya.
"Sana nga."
Myeins POV:
Huminto na ang tugtog, huminto na rin kami. Hindi siya nagsasalita, wala rin akong masabi. Lumapit na lang ako sa mga kaibigan ko, nakipag-inuman ako sa kanila. Nakita ko si Alvin na lumalangoy sa pool.
Sige lang ako nang sige sa paglagok ng alak. Baka sakaling mawala ang kung ano mang emosyon na naramdaman ko simula nang makasayaw ko si Alvin. Hindi ako sanay uminom, sumuko rin ako kaagad. Umupo ulit ako sa gilid ng pool.
"Oh my God!" Napasigaw ako nang may tumulak sa 'kin sa tubig.
Pumailanlang ang napakalakas na tawa sa paligid. "Huwag kang mag-emote. Hindi bagay sa 'yo," si Alvin pala ang tumulak sa 'kin. Nainis ako at hindi na lang nagsalita, pumunta ako ng kiddie pool pero sumunod pala siya sa 'kin. "Myeins, sandali!" Hinatak niya ako sa braso at napaharap sa kanya. Hinalikan niya ako sa mga labi.
BINABASA MO ANG
One shot stories compilation
RandomStories available here: -Hoping for a happy ending -A virgin's oath -My virgin girlfriend -Ingatan mo ang pamilya ko, Panginoon -Ang forever ng lolo at lola ko -Torpe problems -Pakipot problems -Ang Dalaga na naging Ina -Ayoko na maging bitter! all...