Ang sweet naman nila Kath at Kevin, sana magkaroon na rin ako ng boyfriend. Nakakainggit kapag magka-holding hands sila o nireregaluhan ni Kevin ng kung ano-ano si Kath. Gusto ko rin ng ganoon.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit kaya walang nanliligaw sa akin? Panget ba ko? Nangalumbaba ako at muling tumingin sa dalawa. Papalapit sila sa 'kin, napansin kong may kasama silang lalaki. Sino kaya 'yon?
"Erika may ipapakilala kami sa iyo," bati sa 'kin ni Kath. Itinuro niya ang lalaking kasama ng boyfriend niya.
"I'm Marvin, Erika ang pangalan mo, 'di ba?" tanong niya.
Inilahad ng lalaki ang kamay niya para makipag-shake hands, tinanggap ko iyon. Tinitigan ko siya at may kiliting hatid ang ngiti niya. Cute si Marvin, matangkad, maputi, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Crush ko na siya!
"O-Oo. Ako si Erika. Nice to meet you," bati ko sa kanya.
"The feeling is mutual." Ngumiti siya at lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin.
If the feeling is mutual, does it mean he also likes me? Bahagya akong tumikhim at inalis ang ideya sa isip ko. Ayokong mag-assume, masakit masaktan.
Iniwan kami nila Kath at Kevin, magkatabi kami na nakaupo sa swing dito sa park. Tapos na kasi ang klase namin kaya nakatambay kami ngayon. Mag-bestfriend kami ni Kath at iisa ang eskuwelahan na pinapasukan namin. Sa ibang eskuwelahan nag-aaral sila Kevin at Marvin, halata iyon sa mga school uniforms nila.
"Musta na?" tanong niya.
"Ayos naman. Ikaw ba?"
"Ayos lang din. Ikaw ba ang best friend ni Kath?"
"Oo. Bakit?"
"Ako ang best friend ni Kevin. Tayo pala ang mga chaperone ng dalawang iyon," biro niya.
Hindi ko mapigilan ang matawa. "Tama ka. Istrikto kasi ang mga magulang ni Kath at hindi pa siya pinapayagan na mag-boyfriend, matigas lang talaga ang ulo niya."
"Ganoon ba. Ikaw ba, may boyfriend ka na?"
Nagulat ako sa tanong niya, hindi ako agad nakasagot. "W-Wala akong boyfriend. Hindi pa ko nagkakaroon no'n."
"Bakit naman? Ayaw mo ba makipagrelasyon?"
Gusto kong magka-boyfriend pero walang nanliligaw. Alam mo ba ang ganoong pakiramdam? Syempre hindi, lalaki ka kasi.
"Hindi sa ganoon." Pinili kong manahimik. Ayokong sabihin na gusto ko, baka kasi isipin niya nagbibigay ako ng motibo.
"Pwede ba kitang ligawan Erika?"
Namilog ang mga mata ko at halos mapanganga ako sa sobrang pagkabigla. Totoo ba ito? Magkakaroon na ko ng manliligaw.
"Sigurado ka ba riyan?"
"Oo."
Hindi ko mapigilan ang ngumiti. "Pumapayag ako."
* * * *
Nanligaw nga si Marvin sa akin. Araw-araw niya akong hinahatid pauwi, sayang lang kasi hindi siya pumapasok sa loob ng bahay kaya hindi ko siya maipakilala sa mga magulang ko. Nagreregalo din siya sa 'kin ng bulaklak o kaya ay tsokolate.
Pagkatapos ng tatlong buwan, sinagot ko na si Marvin. Masaya kaming dalawa. Lagi kaming namamasyal sa parke o kaya naman ay nagtatampisaw sa sapa na malapit sa eskwelahan.
Pero si Kath at Jake, nagkahiwalay sila. Nahuli ni Kath si Jake habang may kasamang ibang babae. Sobrang nasaktan ang matalik kong kaibigan kaya naman sinamahan ko siyang umupo sa bench dito sa eskwelahan namin.
"Niloko niya lang ako Erika, akala ko mahal niya ako. Niloko niya lang ako."
Niyakap ako ni Kath at hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Maganda siya, siya nga ang muse sa klase namin. Malas lang dahil sa maling lalaki siya nagkagusto.
"Sige lang, iiyak mo lang 'yan Kath. Huwag kang mag-alala, makakarma din ang Kevin na iyon. Bata ka pa, nasa high school pa lang tayo. Marami ka pang makikilala na mas nakahihigit sa lalaking iyon."
Habang sisinok-sinok, pinunasan ni Kath ang nabasa niyang mga mata. "Salamat, ha. Palagi kang nandiyan kapag kailangan kita Erika."
"Syempre naman. Ako ang best friend mo, 'di ba?"
Tumango si Kath bago ngumiti. "Oo naman. Best friends forever."
Pagkatapos ng klase, nauna nang umuwi si Kath. Sabi niya, gusto niyang magka-solo kami ni Marvin. Hindi na ko nagsalita. Alam ko namang iiyak lang iyon sa kuwarto niya. Kilala ko na siya.
Katulad ng dati, sinundo ako ni Marvin sa tapat ng tarangkahan ng aming eskuwelahan. Pero ang ipinagtataka ko, tahimik lang siya. Naglakad-lakad muna kami hanggang makarating sa parke kung saan kami unang nagkita. Umupo ako sa bangko, hinihintay ko siyang magsalita.
"Erika..."
"Ano bang problema? Sabihin mo na," hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.
"I'm sorry pero... kailangan na nating maghiwalay."
"B-bakit?" Naglandas ang mga luha sa aking mga pisngi. "May nagawa ba kong masama? Nagalit ka ba? May problema ba tayo?" sunod-sunod kong tanong.
Sunod-sunod na iling naman ang ginawa ni Marvin. "Hindi... Kasalanan ko ang lahat ng ito... Gago kasi ako!"
"Hindi kita maintindihan! Ipaliwanag mo naman. Please..."
Yumuko si Marvin at pilit na itinago ang kanyang mukha. "Pasensiya ka na Erika... Pero hindi kita mahal." Namilog ang mga mata ko, hindi ako makaimik. "Si Kath ang mahal ko."
Mabilis kong pinadapo ang kamay ko sa pisngi ni Marvin. "How dare you! Paano mo nagawa sa akin ito?" Muli ko siyang sinampal sa magkabilang pisngi.
"I'm sorry... I'm really sorry... Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko."
Tila namamanhid ang buo kong katawan. "Bakit? Bakit mo nagawa sa akin iyon? Anong ginawa ko sa iyo?!" halos maputol ang litid sa leeg ko. Gusto kong magwala pero pilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Mahal ko si Kath... noon pa. Pero naunahan ako ni Kevin sa panliligaw sa kanya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin kaya pinilit kong ibaling sa iba ang pagmamahal ko... sa iyo," bahagyang nabasag ang boses ni Marvin, halatang pinipilit niyang pigilan ang mga luha. "Kaso wala, e... Hindi ko nagawa. Akala ko, sapat na ang kabaitan at pagmamahal mo para mahulog ako sa iyo pero nagkamali ako. Noong malaman kong hiwalay na sila Kath at Kevin, lumakas ang loob ko na ligawan ang kaibigan mo."
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang pag-iyak. "Huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan." Tumayo ako at naglakad paalis, hindi ko siya tinignan. Kaagad akong pumara ng tricycle upang sumakay na pauwi. At habang nasa sasakyan, doon ko hinayaan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Noong mga sumunod na araw, sinabi sa akin ni Kath na gusto raw siyang ligawan ni Marvin. Hindi ako umimik. Pero sa aking pagkabigla, niyakap ako ni Kath.
"Mas mahalaga ka kaysa sa akin. Best friend muna bago ang boys."
Gumanti ako ng yakap. "Thank you, Kath..."
"I hate Marvin. Bantay-salakay siya. He doesn't deserve you, he doesn't deserve any girl. Wala siyang kuwenta!"
Hindi ko mapigilang matawa. "Korek!" Hinila ko si Kath papunta sa canteen. "Halika, kumain muna tayo. Mas masarap kumain kaysa mag-boyfriend," natawa rin si Kath sa biro ko.
BINABASA MO ANG
One shot stories compilation
RandomStories available here: -Hoping for a happy ending -A virgin's oath -My virgin girlfriend -Ingatan mo ang pamilya ko, Panginoon -Ang forever ng lolo at lola ko -Torpe problems -Pakipot problems -Ang Dalaga na naging Ina -Ayoko na maging bitter! all...