Pakipot Problems

315 13 1
                                    

(A/N: Pakibasa po ang Torpe Problems, ang counterpart ng story na ito. Enjoy reading the POV of both characters :3 )




Melanie's POV:


      Wala akong kopya ng pinapa-type ni Maam sa computer. Kanina pa ako naghahanap kung sino ang mayroon, halos lahat ng kaklase ko ay napagtanungan ko na. Tinanong ko si Arnel, sabi niya, mayroon daw si Jerome kaya kinilabit ko ang kaibigan niya.


      "May kopya ka ba ng dapat natin i-type?"


      Lumingon si Jerome. Nanlaki ang mga mata niya sa matinding pagkagulat. Napatayo siya sa kanyang inuupuan at humakbang paatras, natumba siya at napasalampak sa sahig. Nakatitig lang siya sa akin na para bang isa akong aparisyon. Kumunot ang noo ko, bigla namang nagtawanan ang mga kaibigan ni Jerome.


      "Hoy pre, tumayo ka nga riyan." Tinapik ni Anthony si Jerome pero hindi siya umimik.


       "Melanie gamitin mo na lang itong sa akin, tapos na ako sa pinapagawa ni Ma'am," si Suzy, may inabot siya sa 'kin na papel.


      "Salamat." Alanganin akong ngumiti. Umalis na ako sa harapan ni Jerome at ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam pero naiinis ako, pakiramdam ko, napahiya ako.


      Umupo ako sa harap ng computer at ginawa ang binigay na activity ni Ma'am. Nang matapos ko ang ginagawa ko, bumalik na ako sa upuan ko kasama ang mga kaibigan ko.


      "Ano'ng nangyari kanina? Bakit nagtatawanan sila Arnel?" tanong ni Erika, ang best friend ko.


      "Wala, may nangyari lang kasi kanina." Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Nagtawanan sila pagkatapos. Ako ang hindi natatawa sa nangyari. Lumipas ang ilang linggo, hindi ko na ulit kinausap si Jerome.



* * * *



       Biology ang subject namin ngayon. Nakatingin ako sa aming guro pero lumilipad ang utak ko.


      "Melanie..." bulong nila Erika at Rose Ann.


      "Bakit?"


      "Tignan mo si Jerome, kanina pa nakatitig sa iyo."


      "Ha?"


       Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko nga si Jerome, nakatitig siya sa akin at parang walang pakialam kahit may klase. Anong problema niya?


      "Oo nga. Tapos?" nagkagikhikan lang ang dalawa.


       "May gusto siya sa 'yo Melanie. Hindi pa ba halata?" si Rose Ann.


      "Oo nga. Ano pa bang rason ng ginagawa niyang pagtitig sa 'yo?" sabat ni Erika.


      "Malay ko."


      Hindi ko na sila pinansin. Mukhang nahalata ni Ma'am na nagtatawanan sila kaya tumigil na kami.


       Bigla akong napaisip, bakit naman magkakagusto sa 'kin si Jerome? Hindi naman ako kagandahan, cute lang. Wala ako sa top ng class. Lalo namang hindi maganda ang hubog ng katawan ko dahil siksik ang mga braso ko. Bakit ako?


       Bago matapos ang araw na iyon, nagsimula na ang mga kaibigan kong mang-asar. Jerome at Melanie forever daw? Anong klaseng kalokohan iyon?


One shot stories compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon