(A/N: Hello everyone! Gusto ko lang sabihin na may counterpart ang story na ito. Kung ito ang point of view ng lalaki, mayroon ding story ng point of view ng babae na nakahiwalay. Sana basahin niyo din ang In-denial problems, ipo-post ko kapag nagawa ko na)
Jerome's POV:
Bagong lipat lang ako sa St.Michael Academy. Sabi kasi ni Mama, napapabarkada lang daw ako sa dati kong eskuwelahan. Puro na lang daw computer games ang inaatupag ko. Bilang parusa, inilipat nila ako sa private school.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti-unti kong nakakasundo ang mga kaklase ko na malapit sa upuan ko. Hindi naman ako popular, hindi rin ako kagwapuhan, hindi ako macho, at lalong hindi ako kasama sa matatalino sa klase. Normal na estudyante lang ako.
Syempre, dahil mga estudyante kami ng high school, hindi maiiwasan ang mga asaran. Nalaman kasi namin na may gusto si Erika sa kaibigan namin na si Anthony. Nakikisama lang ako sa pang-aasar sa kanila. Hindi ko kasi masabi sa kanila na may gusto ako sa kaibigan ni Erika na si Melanie.
Cute siya, maputi, chubby, medyo kulot ang buhok, matalino, mabait. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakakausap. Palagi ko lang siyang tinititigan, pinagmamasdan. Kahit may klase, tinitignan ko pa rin siya.
Minsan sa computer subject namin, pinag-type kami sa computer ng isang talata na medyo may kahabaan. Kailangan daw nilang malaman kung gaano kami kabilis magtipa sa keyboard. Kaunti lang ang gumaganang computers kaya hindi sabay-sabay ang mga estudyante. Naunang matapos ang mga lalaki kaya nagkuwentuhan na lang kami ng mga kabarkada ko sa sulok.
"Arnel, may kopya ka ba ng pinapa-type kahapon?"
"Wala, e. Si Jerome ang tanungin mo."
Biglang may kumalabit sa akin. Lumingon ako dahil nakatalikod ako sa kanya at napamulagat ako nang makita ko siya.
"May kopya ka ba ng pinapa-type ni Maam? Naiwan ko kasi 'yong sa akin."
Hindi ako nakasagot. Bigla akong tumayo at hindi ko inaalis ang tingin kay Melanie. Hahakbang sana ako paatras pero nakaharang ang paa ng kaibigan ko, bigla akong natumba at napaupo sa sahig. Nagtawanan ang mga kabarkada ko pero si Melanie, hindi. Nakatitig lang siya sa 'kin na may bahid ng pagtataka. Hindi siya tumawa o ngumiti man lamang.
"Melanie, gamitin mo na lang 'yong kopya ko tutal tapos na ko."
Lumapit ang kaklase namin na si Suzy at may ibinigay na papel kay Melanie. Umalis na siya at umupo sa harap ng computer. Dahan-dahan naman akong tumayo at nagpagpag ng uniporme.
"Alam namin na may gusto ka kay Melanie pero hindi ko akalain na ganoon ang magiging reaksyon mo kapag kinausap ka niya," nagpipigil ng tawa si Arnel.
"Daig mo pa ang nakakita ng multo kanina," sabi ni Roniel. Tawa siya nang tawa.
"Ang panget naman ng unang impresyon niya sa iyo pare." Iiling-iling si Anthony.
Natahimik ako sa sinabi nila. Oo nga naman. Ano bang klaseng reaksyon iyon? Hindi naman pang-horror ang eksena namin kanina pero daig ko pa ang nakakita ng aswang. Ang engot mo talaga, Jerome!
"Ano kaya kung kausapin ko si Erika?" tanong ni Anthony. "Kapag tinulungan ka niya sa panliligaw kay Melanie, liligawan ko siya." Hindi ko napigilan ang sarili kong batukan siya.
BINABASA MO ANG
One shot stories compilation
AléatoireStories available here: -Hoping for a happy ending -A virgin's oath -My virgin girlfriend -Ingatan mo ang pamilya ko, Panginoon -Ang forever ng lolo at lola ko -Torpe problems -Pakipot problems -Ang Dalaga na naging Ina -Ayoko na maging bitter! all...