"Mortal, are you pregnant?"
Iyon ang tanong na ayaw marinig ni Chancey sa tatlong taon ng pananatili niya bilang bahagi ng pamilya sa Prios.
Nanlalaki ang butas ng ilong niya habang sakay-sakay ng puting limousine, nakakrus ang mga braso, at kung makatingin sa bampirang kaharap ay parang susunugin na ito nang buhay gamit lang ang mata.
Nanghihingi lang naman siya ng dugo dahil hindi niya gusto ang dugo na nasa ref. Masama nga raw ang lasa, sabi niya. Hindi rin niya masabi kung bakit natatakam siya sa dugo.
"Di ba dapat, naghahanap ka na ng lunch mo?" naiirita niyang tanong kay Edric na kagat-kagat ang kaliwang hintuturo at nakatitig sa kanya.
Hindi ito sumagot kaya mabilis na umikot ang mata niya saka umirap. Ayaw na ayaw pa naman niyang tumatahimik ito kapag kausap siya dahil alam niyang may iniisip itong hindi maganda.
"I'll call my husband. Sasabihin kong kini-kidnap mo 'ko."
"He's sleeping, witch."
"Pakihanap ng pakialam ko." Mabilis niyang kinuha ang phone sa suot na red blazer pero mabilis din iyong kinuha ng itim na usok. "Edric Vanderberg!"
Naniningkit pa rin ang mata nito sa kanya nang tingnan ang screen ng phone. "The family is waiting for the child, mortal."
"Kailangan ko nang umuwi, Edric!"
"You sit there, you shut your mouth, you'll have your blood."
Akma pa sanang may sasabihin si Chancey pero buntonghininga na lang ang lumabas sa bibig saka tumahimik. Nagtaas lang siya ng isang kilay habang inis na inis na nakatitig kay Edric na kinakalikot ang phone niya. Kailangan niya ng masarap na dugo at si Edric lang ang kilala niyang makakapagbigay n'on sa kanya. Lalo pa, hindi naman siya puwedeng mangagat lang nang kung sino sa kalsada dahil wala nga naman siyang pangil.
"Puwede ba, imbis na ako ang binubuwisit mo, maghanap ka ng ibang sisirain ang araw."
Saglit lang siyang sinulyapan ni Edric at ibinalik din ang atensiyon sa phone niyang kinakalkal nito.
Lalo lang tumataas ang stress level ni Chancey dahil lalo pa nitong tinatagalan ang paghawak sa gamit niya.
"Edric, kapag 'yang phone ko, na-block, seselyuhan na talaga kita para hindi ka na makagalaw kahit kailan."
"Are you domesticating foxes?" walang connect na tanong nito sa kanya habang ipinakikita ang photo ng pulang fox na yakap niya sa damuhan. "This is illegal, witch. I'll call the animal welfare to capture you."
"Buwisit ka." Naglahad na agad siya ng kamay. "Akin na 'yan! Kapag ako ang nakalapit sa 'yo, talagang paiinumin kita ng maraming tubig galing sa south."
"I'm scared." Nagpakita na naman ang mahabang pangil ni Edric habang tinatawanan si Chancey.
"Edric kasi!" Dadamputin na sana niya ang babasaging baso sa harapan nila nang biglang huminto ang sasakyan. Sumilip agad si Chancey sa paligid at nanlaki ang mga mata nang makitang nasa ospital sila.
"Alright! Time to verify the news." Nauna nang lumabas si Edric kahit hindi pa nabubuksan ng driver ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
Tatlong taon.
Malaking bagay sa pamilya ang pagkakaroon ng anak ng anak ng Ikauna. Tatapusin ng anak ni Chancey ang testamento ng Ikauna at ito ang magsisimula ng panibagong henerasyon para sa mga halimaw ng norte.
Hinihintay ng pamilya ang bata. At wala silang ideya kung ano ang batang hinihintay nila. Kung isa bang ada, isang bampira, isang tao, isang salamangkero, o lahat ng nabanggit.

BINABASA MO ANG
Prios 4: Living with the Vanderbergs
FantasíaTatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag ng kanyang pagdadalantao, magsisimula na ang sumpang magtatapos sa huling testamento. Magsisimula n...