Chapter 13

70 7 0
                                    

~

Were starting the practice of the dance for JS na.

Actually, kanina pa kami nag-pa-practice dito. Feel na feel ko nga yung sayaw eh. Kasi gusto ko yung part na parang ililiyad kami ng partner namin tapos may pitik yung balik sa pag tayo. Basta, yun. Ahaha! Sakto pa na vaklush ang partner ko kaya feel na feel naming tatlo ang sayaw.

Yung steps, bet na bet ko talaga. Ang theme kasi ng sayaw namin, real wife-husband-kabit, parang ganun. Kaya naging ganun ang theme, onti lang ang boys namin, 13 to be exact. Tapos, 28 naman kaming mga girls. So, yung unang sayaw, parang fierce type pa siya tas yung pangalawa naman, parang zumba lang yung steps, kasi dun talaga kami (or ako) pinag-pawisan.

Kanina pa yung section namin na nag-pa-practice dito kasi dalawang sunod na period ang wala kaming teacher. Busy kasi sila for the research. Kaya, kinuha na namin yung chance para makapag-practice.

Maya-maya, nakita namin na parang pa-isa-isang lumabas yung Palma. Tapos, bigla kong naalala na saktong time ni Sir sa kanila. Aish naman oh!
"Bes, bababa yata." - Alexis

"Shunga lang teh? Malamang, alangan namang jan lang sila pa-ikot-ikot?" - Sherwin

"Heh! Ewan ko sayo!"

"Ehem, mukhang may bababa ah? Ehem!" - Chinie

Kahit medyo malayo samin yung pwesto ni Chinie, halatang ako ang pinaparinggan niya.

"Manahimik ka. Nag-pa-practice eh!"

"Ayie! Ayie!" - Vince

Ay putspa! Bahala kayo jan.

Nang ma-kumpleto lahat ng Palma na di kalayuan sa pwesto namin, medyo matagal bago sila nag-start. Yung tipong nag-kwentuhan muna at kung anu ano pa.

"Tama na titig Angeline. May practice oh!" - Mecci

"Hindi naman kase siya ang tinigtinan ko."

"Practice ka na lang, ha?"

Bumalik kami sa pag-pa-practice. Sometimes, di talaga maiwasang mapa-tingin ako sa pwesto nila. And I don't know if it's just me pero kapag nahahagip ko siya ng tingin, naka-tingin din siya sa position namin banda. Oh? Yan ha! Saming tatlo siya naka-tingin pero kung may mag-iiwas man ng tingin, ako na ang nangunguna.

After ng ilang ulit na practice sa buong kanta, pina-upo muna kami at lahat kami nag-si-akyatan sa stage. We still have 15 minutes before lunch. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan, yung iba, kumakain na rin.

Tas, maya maya, lumapit si Don (leader ng Palma) kay Mecci. Tinanong niya kung pwede ba daw sila mag-practice sa tapat ng stage. Pumayag si Mecci at ilang segundo lang nasa harap na namin ang buong Palma.

"Pumayag talaga ako para sayo.." - Mecci

"Ewan ko sayo."

Nasa harap pa naman yung pwesto ni Senior. Pinapanood namin silang sumayaw pero hindi ko tinitignan yung gawi ni Senior.

One time napagawi ako ng tingin sa kanila at inasar naman ako ni Rachelle.

"Kunwari pa si Angeline. Titingin, ayon oh! Huli ka!"

Tss.

Umalis na lang ako dun at nag-akad papunta sa faculty para kumain. Nung medyo naka-layo na 'ko, I took a glimpse on his side and I saw him looking back at me, too. Umiwas lang ako ng tingin at nag-patuloy sa pag-lalakad.

Its not my illusion, I'm just stating the truth.

♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝

AND's part: Another short UD. Wait lang ung isa.

¤Vote ★ and Comment¤

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon