-10-
This day is nothing compared to normal school days. Pero nagbago nang....
In-excuse niya ako.
Psh! Ka-landi.
Kasi, alam niyo ba yung feeling na nanahimik ka for the whole class, then eto?
Kung di ko pa nasasabi na advisery ni Sir P si Senior, edi ayan, nasabi ko na.
Here's the setting:
We were busy discussing things para sa kakainin namin for Christmas party.
Ako, kahit anong kainin namin, okay lang. So, nag-cp muna ako. Busy akong mag-type ng i-a-update para sa BFWP (read niyo please. Kapal ng mukha mag promote!)
Nagambala ang thoughts ko sa pag-u-UD nang bigla akong sikuhin ni Carl. Agad ko namang tinago yung phone at kunwaring nakikinig. Nakita kong di naman naka-tingin sakin si mam. Anong meron?
"Bakit?" pabulong kong tanong kay Carl
"Tingin ka sa labas."
Naka-upo kami malapit sa may bintana, so ang tendency, sa bintana ako titingin.
"Bugok!" sabi na lang ni Carl
"San ba?"
"OH MY GAAAADDDD!!!!"
"KYAAAAHHHHHH!!!!"
"AYIEEE! KINIKILIG!!!!!"
"SINUSUNDO KA NA ANGELINE!!!"
Bigla na lang nagsigawan tong mga baliw kong kaklase. At ako? Sinong sumusundo sakin? Oras ko na ba? Lewls.
Napa-tingin ako sa pintuan. Fck! Ano naman kelangan nito?
"Mam, pwede po ba kay Angeline?"
"WAAAAHHHHHH!!!!"
"KYAAAAHHHHH!!!"
Nanlamig ako bigla. Ano namang kailangan neto?
Tumayo ako tapos biglang um-extra si mam ng hirit.
"Rhuzel, si Angeline yan. Angeline pangalan ha?"
"Yes mam."
Takte naman oh!
Lumabas ako tapos medyo lumayo ako ng onti lang KASE NGA NAIILANG AKO!
"Ano yun?"
Nakita ko parang ipinapaypay niya yung isang mukhang laminated ID na kasinlaki lang ng atm card.
"Pinapa-bigay ni Sir yung rank card mo."
"Pupunta ako dun?"
"Hindi. Eto na."
Inabot niya yung card tapos kinuha ko na agad.
"Congrats!" sabay lahad ng left hand niya.
Seriously? May left hand shake talaga?
Inabot ko naman yung at ngumiti ng alangan, "Thank you."
Sabay nun ang pag-click ng camera at nakita ko na lang na tumakbo papalayo si Sir. Argh!!!!
Pumasok ako na may panlalamig na nararamdaman. Kinuryente niya ako nung nag-shake hands kami.
"Ma'am, thank you po."
"Anytime....." sagot ni mam.
Nakita ko na lang ang mga malisyosong tingin ng buong room. Aish! Including ma'am. Ahsht naman oh!
Eto namang si Carl, tawa nang tawa.
"Kamusta, mrs. Sanchez?"
"What the fck did you say?"
"Sabi ko, kamusta po yun? Anong pong binigay?"
Inirapan ko lang siya. Alam niyang hahamapasin ko siya kapag inulit niya yung sinabi niya eh.
Tinitigan ko lang yung rank card na binigay niya tas tinago ko na.
"Basta ibibigay niyo lang...."
Tiningnan ko si ma'am na may putol na sinasabi at sabay nginuso ako.
"....yung mga bayad niyo. Mrs. Rhuzel Sanchez, paki-kolekta na lang ha?"
"Ma'am?"
Natawa naman yung mga kaklase kong nasa harapan. Nasa second row sa harap kasi ako naka-upo. Pati ba naman si ma'am? Wala na. Wala na yung i-u-UD ko. Naiinis pa naman ako pag ganun. Yung tipong i-ta-type ko na lang tapos argh! Letche!
Natapos na ang lahat-lahat at recess na. Hindi pa rin ako tinitigilan ng mga kalapit na katabi ko, lalong-lalo na si Carl. Ahsht! Pumunta na lang ako kila Arianne na nasa likod.
"Bababa kayo?"
"Yiee! Yiee!" - Arianne
Ukinam naman oh! Di maka-get over?! Pati ba naman sila?!
"Tss. Bababa nga kayo?"
"Oo, bababa kami. Ahaha! Kenekeleg ako."
"Edi ikaw na kinilig. Psh!"
"Baka nga pati siya kinilig eh! Ahaha!" - Krishriel
"Sinong siya?"
"Siya mismo!"
"Sinong 'siya mismo'?"
"Si Rhuzel..." kinakanta pa niyang sabi.
"Tss. Bakit naman kikiligin yun?"
"Diba May?"
Lumingon naman samin si May at tumango-tango.
Anong pinag-sasabi nitong mga 'to?
"Di ko gets." sabi ko na lang
"Kasi, nakita na namin siya bago pa man sila mag-sigawan. Tapos, bago ka niya i-excuse, sinilip ka niya muna. Tas, tinuro ka ni Carl. Nung nakita ka niya, ngumiti siya saka namula." kwento ni May.
"Ahhh..... Gutom lang yan, baba na tayo."
"Hindi!!! Totoo yun!!!! Naalala mo pa ba yung nag-research sila dito?" - Arianne
"Lakompake."
"Basta, basta, basta! Naaalala mo pa ba nung nag-research sila dito sa room natin?"
"Malamang, eh dun nalaman ng buong room diba?"
"Nung ipinasa mo yung papel! Naka-tingin siya sayo. Tapos, tapos, namula din siya nun!!!!"
"Yah, yah, whatever you say."
"Totoo nga yuuuunnnnn!!!!"
Bahala kayo jan. Nadala na ako sa mga paasang yan. Talk about the past, ayt? Tss.
♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖♖
AND's part: Hanggang ngayon, hindi pa rin ako naniniwala sa mga pinag-sasabi nila. Baka namumula sa inis? Ahahaha! Joke. Basta, di kapani-paniwala.
✺ Vote ☆ and Comment ✺
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...