~
Ngayon, sumama ako kila Jess kasi may bacalaureate mass sila ngayon. Of course, nandun ang mga GRADUATES kasi para naman talaga sa kanila yun eh.
Actually, parang chaperon ako kasi itong kapatid ko, kung kelan graduating, saka pa naaksidente. Nabagsakan nung glass door sa mall. As in, nanginginig ako nung nalaman ko yung kwento. Sakin kasi nag-text yung security. Pag-ka-uwi ni Jess, may bahid pa ng dugo yung T-shirt niya. Tapos, sabi pa niya, natirang hawak na lang daw niya yung hawakan. Buti naman at sagutin ng mall yung pag-papa-check up niya.
Back to story, di ko talaga feel na naandito ako eh. Malamang! GRADUATES nga diba? Andito siya. But I shrugged my thoughts off and continued to enter the church. Sinasabayan ko lang si Jess sa pag-lalakad. And when she found her classmates, naiwan na ako kila mommy.
Sumunod lang ako sa kanila hanggang sa nakapili na sila ng upuan banda sa may gitna at argh! Katabi namin yung row ng mga graduating na boys. Hanggang sa nakita ko na nga siya pero hindi ko na lang pinansin. Onti lang sila sa row ng upuan.
And the mass went on.
Sa part ng homily, the priest talked all about mothers dahil its about mama Mary's acceptance of having the God's son to her womb.
Busy lang akong makinig hanggang sa siniko ako ni mommy.
"Tingnan mo yung crush mo, tumatawa. Siguro ginagawa niya yan."
Na-mention kasi ng pari na kapag inuutusan daw ng mga nanay, nag-me-make face.
"Ano ba yan mommy! Andami mong napapansin!"
And mass went on.
Sa part ng peace be with you, nag-beso ako kay Mommy tas nag-mano sa ilang teachers dito. Tiningnan ko sana sila Jess to have a peace sign with her pero since across pa sila among these boys na katabing row lang namin, may nahagip ang mata ko.
He looked at me and showed a sly smile. I don't know if it was for me or sa teachers na kasama ko but I slightly bow to him kung sakaling ako man ang tinitignan niya, as a sign of peace na rin.
Tapos nung communion na, hindi na kami pumila sa main kung san yung pari at mga graduates.
Sa gilid lang kami, pumila for communiontm tas nahagip na naman ng mata ko ang di dapat.
Hanggang sa matapos ang mass, I went infront para mag-bless kay father. And again, naka-salubong ko na naman siya. Biglang kumabog ang puso ko pero nawala din naman agad.
Come on Angeline! Don't tell me na may effect pa rin siya sayo?!
We went back to school. Yung mga fourth year, meron silang farewell party. Pero hindi ko na siya nakita since the mass. Pano ba namang hindi eh nag-kulong ako sa clinic at natulog muna dun. For my nine years studying in this school, ngayon pa lang ako totally natulog dito.
Hanggang five ako natulog dun. Syempre, ginising naman ako to eat for lunch.
And then, we went home.
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...