Chapter 6

108 14 2
                                    

-6-

Last test day namin ngayon. And for the first time in forever, ngayon lang ako nadalian sa lesheng Social na yan.

Pag-kalabas ko ng room namin, linagay ko sa locker yung libro ko at hinanap ang WG.

Where in the hell are they?

Putcha! Iniwan ako?

Enebeyen!

No choice kundi ang bumaba sa faculty at matulog.

Zzzz..zzzz..zzzzz.zzzz....z....

"Dito mam?"

"Oo, jan."

"Ilalabas po?"

"Ilagay mo malapit sa inyo."

Aish! Ano bayang maingay na yan!

"Teka, wag mong ilalapit sa mga fourth year! Baka jan din kumuha!"

"Yes mam."

Tuluyan na akong nagising at inalis ng cover ko sa mukha.

Bumangon ako pero hindi yung totally tayo ah? Ung naupo muna bago magising ng tuluyan sa ulirat.

Nakita ko si mam, yung adviser namin na inaasikaso yung mga dancers ng grade 9. No choice kundi bumangon dahil nagising naman na ako.

Napunta ang atensyon ko sa may table ni mommy. She was currently preparing the table para maka-kain. Kasama niya si Sir.

"Angeline, sumabay ka na samin. Sumubo ka na dito."

Bumangon na ako at umupo sa tabi niya. Usap lang sila ng usap ni Sir. Nasabi ko na ba na si Sir ang pinaka-malapit kay mommy sa faculty.

Nang matapos kaming kumain, niligpit ko na yung mga pinag-kainan at hinugasan. Tapos, lumabas ako at naki-nood sa mga nagpapa-practice.

Nandun din sila Carl kaya medyo nabuhayan ako. Asaran dito, tawanan jan, kaya nawala ang antok ko kanina.

Tapos, pumasok ulit ako sa faculty.

Alam niyo, hindi pa rin alam ni mommy kung sino ang crush ko. Ayoko ko kasing sabihin kasi lalaitin na naman niya. Ahahaha! Ganyan kasi si mommy, malakas manlait ng nga crush.

"My, kilala mo ba kung sinong crush ko?"

"Eh wala ka ngang sinasabi eh."

"Eh kasi naman eh! Lalaitin mo na naman."

Tumawa lang siya.

"Sino nga kasi?"

"Si ano....."

101% sure lalaitin na naman niya 'to.

"Sino?"

"Wag kang tatawa."

"Bakit? Panget ba?"

"Hindi ah! Kelan ba ako pumili ng panget? Ahahaha!"

"Sino na nga?"

"Si Rhuzel Sanchez."

"Sino yun?"

"Di mo kilala?"

"Anong year?"

"Fourth year."

"Kilala ko yung pangalan pero hindi yung mukha."

Sakto namang may batch picture si Sir sa table. Batch picture kasi lahat ng section ng fourth year, andun.

Kinuha ko yun at ipinakita sa kanya.

"Ayan oh."

Seconds passed at nagulat ako sa pinag-sasabi niya.

"Jusmiyo naman Angeline. Wala kang kinabukasan jan. Di ka mabubuhay niyan. Iba na lang. Di mo lang alam, sobrang tamad yan. Walang ginagawa sa room tapos ang gulo-gulo pa."

"My! My!"

"Ang daldal din nyan. Siguro kung may natutulong man yan, mag-walis ng classroom."

"Mommy!"

"Ano?"

"Sobra ka naman maka-react. Para namang nagpapa-kilala na ako ng fianceé ko at bukas na kasal. Crush lang yan oh."

"Eh kasi naman Angeline. Wag yan. Iba na lang."

"Oo na, oo na. Sabi na eh. Dapat di ko na lang sinabi..."

"Eto naman! Biro lang eh."

Pati ba naman nanay ko, ayaw din sayo?

Tss....

♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠

AND's part: Super short UD here

♢Vote ★ & Comment♢

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon