Chapter 15

65 7 0
                                    

~

Ngayong araw, nag-check lang kami buong araw ng mga test papers noong nakaraang exam.

At grabe! Dahil sa sobrang busy at daming projects, yung project ko sa english hinuli ko na. Kahapon, walang pasok kaya ginawa ko buong mag-hapon kaso hindi ko rin natapos. Natagalan kasi ako sa pagdedesign and such. Yung teacher namin kasi dun, lahat ng projects niya, hand written dapat. Yung project namin, all about sa mga successful person with disability. 10 dapat, 5 local and 5 foreign. Natapos ko na kahapon yung lahat ng local at dalawa sa foreign. Kaya, bukod sa pag-che-check, ginagawa ko rin yung tatlo pa. First time ever ko 'to sa tanang buhay ko bilang student. I experienced na mag-puyat the night before the submission pero yung mismong araw na pasahan at ginagawa ko pa lang? Nah. Ngayon lang talaga.

At dahil ang haba ng biography nung natirang tatlo, tinamad na akong mag-sulat ng title pages. Kaya ayun, kay Vince ko pina-lettering yung pangalan ko, yung part na project in english, submitted by ekek chuva. Tas kay Aleckzandra naman yung title page na foreign, local. Matagumpay ko naman siyang na-submit.

And then, the period came, ang math. Si mam Bernardo ang teacher namin dun. Edi check ng test papers. Nung nakuha ko na yung papel ko, 'di na 'ko nagulat. 74%. Tss. Magulat pa ako kung mag-90% above yan. Kaya nung ipinasa na na yung mga papel, inilalim ko yung akin na napansin naman ni mam/ninang.

"Wag mong itago! Asan na?"

"Mam naman! Wag na poo~!"

"Hindi! Titignan ko nga eh."

Nakita niya agad yung papel ko at napa-face palm na lang siya ulit. Ahaha! Mian~

"Haynako Angeline! Puro na lang palakol. Malapit na kita ikahiya na inaanak kita." biro niya

Tawanan naman ang mga kaklase ko. Di lang naman ako ang inaanak niya na may ayaw sa math ah? Hehe~

Tapos, bumaba kami for the dry run ng Prom. Excited na kinakabahan ako. Excited kasi, syempre, first Prom ko yun. Kinakabahan kasi, baka may incidents na mangyari like madapa or whatsoever at saka may binabalak din sila Sir. Bahala na.

Tinanggal ko yung salamin ko tas nag-contacts ako para mag madali. Kaso, parang naging mas malala. Tirik na tirik kasi ang araw tas mahangin pa. Kaya ayun, nung sumayaw kami, pare-parehas kaming naka-yuko, ako, si Allienne at Krishriel.

Tapos, after namin sumayaw, sumunod na yung ibang sections. Nung nag-perform na ang Palma, biglang nag-hiyawan 'tong mga kaklase ko. Nakumpirma kong yung gwapo sa may bandang likod ang sinisigawan nila. Gwapo nga ba? Haynako! Naubos na ang lahi ng mga gwapo sa school. Tss.

After nung mga ek ek na yon, nagsi-uwian kaming lahat. Naunang umuwi si mommy para i-pick up yung cocktail dress ko. Excited na kong makita ang itsura. Kulay lang kasi ang sinabi nung pinagawaan namin eh.

"Angeline, ikaw yung sumisigaw kanina nung nag-perform ang Palma noh?" - mam Asuncion

"Po?"

"Yung mga tumili kanina.."

"Hindi po ma'am. Nananahimik nga po ako eh."

"Weh?"

"Hala mam. Di po talaga."

"Oh ganun? Kala ko tinitilian mo si Rhuzel eh."

"Mam, di po talaga. Promise."

"Okay...."

Lumabas na agad ako ng faculty pag-kahubad ko ng sapatos. Sinuot ko ung slippers dun para hindi masira yung pedicure.

Nag-kayayayaan kami na mag-pa-parlor. You know. That manicure and pedicure stuffs. Nag-pa foot spa din ako like last year pa yata ako nag-pa foot spa? Tapos, nag-pa wax din ako. Grabe! Ang hirap maging maganda!

After nun, bumalik na kami ng kapatid ko sa school. Nang dumating si daddy, kumain muna kami saglit tas bumyahe na kami pauwi.

Pag-ka-uwi namin, nakita ko agad yung cocktail dress na susuotin ko. Ang ganda niya, favorite color ko pa, blue. May isinusuot din na trail pero hindi ganung kahaba, hindi siya sumasayad sa sahig. Tapos, yung petticoat, dalawang patong. Aba! Fairy lang ang peg?

Excited na ako. Hindi naman ako nag-ho-hope na maging princess of the night. Basta, ma-enjoy ko lang yung gabi, okay na 'ko.

At sana, hindi matuloy ang kung ano mang pinaplano nila Sir...

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon