Chapter 1

419 22 3
                                    

-1-

Naiinis ako. Naistorbo ang beauty rest ng lola niyo. Hay! Buhay iskawt!

After all those postponedments (may word bang ganun?), natuloy na rin. Madaming bagyo kasi ang nag-daan.

Kahapon, bumili na kami lahat ng kailangan para sa lulutuin. Tinola lang naisip ko eh. Pasensya.

Pag-kadating, onting ayos sa gamit, daldal at kulitan. Then, pinapila na kami.

Sa first part, since maraming new members, may dito na parang siniseminar kami. Anjan yung history ng scout, sino ang mga founders, ano ang mga simbols sa scout uniform, different knots, at yung mga merit badges na kailangan for each scout rank.

Sulat lang ako ng sulat. Di ko nga maintindihan yung iba. Tatanong ko na lang kay Tito Binay.

Yung second part, puro games na.

Yung unang game, present to sa mga b-day parties, ang dakilang longest. Nung una, hindi sinabi ang laro. Pumili lang daw ng limang scout.

Isa ako sa nasama. Jusme! Bigay lahat! Pati sintas ng sapatos ko, tinanggal ko para mas lalong humaba. Sabi kasi, lahat lang daw ng nasa katawan. Yung mga senior scouts, hinubad na lahat. Chos! Joke lang. Siguro, mga pantaas. Yung iba, may short sa ilalim, pati pants hinubad na rin. Wala malisya sa both part ng boys and girls, overall, were brothers in here. Kahit may mga naka-top less (kahit bet ko pa man din yun), LAKOMPAKE.

Unfortunately, hindi kami nanalo. Mabilis kasi kumilos yung iba. Mga bihasa ba bihh.

Next, patagalan sa tubig. May drum dun na kasya ang isang tao, bale dalawang drum. May representative per group. Fortunately, ang crew namin ang nanalo.

Ang sunod naman, talong game ang tawag nila. May representative ang eleven crew. One lady scout per crew then 10 senior scouts. Kung green ang coconut mo, you may find it as slight stinky game. Hawak ng mga senior scouts na nakapatong sa bangko ang mga talong at err-- nakatapat sa ano nila. Basta un. Pero dahil patayin nga daw namin ang mga malisya namin, edi gora. Para siyang trip to Jerusalem pero ang pinagkaiba, paunahan na mahawakan ung talong na hawak ng senior scouts. Pang-third lang kami sa nauna.

Next ay yung trust game. Sa bawat crew ay may Quarter master. Ang trabaho ng Quarter master ay alagaan ang mga gamit ng crew. Sabi ni Sir, ilagay daw namin lahat ng sapatos sa gitna ng hindi naka-tingin ang mga quarter.

Nang mag-start na, kanya-kanyang sigawan. Edi naguluhan ang mga quarter. Si Allienna, alam ang sapatos namin nila Arianne. Kaya, mabilis niya nakuha. Kaso, pangatlo kami sa huli. So yeah, talo ulit.

Marami pang ibang games ang nangyari. Tawa nga ako ng tawa eh. Kasi, yung hilatsa ng mukha nila. Yung tipong 'I surrender, tama na'. Pero, ansaya pa rin.

Sunod na game, sabi ni Sir, pumili daw ng dalawang representative sa bawat crew. Nag-volunteer na ako at hinatak ko si Alyssa. Pinag-hiwalay ang mag-ka-crew. Medyo mahirap i-explain pero sana maintindihan niyo. Naka-upo sa gitna sila Sir at Vince (SCL namin) at may hawak na kumot. Nung una, napansin ko na halos puro lalaki sa kabilang side kaya bumalik ako sa mga ka-crew ko. Pero daw walang sinabi na tig-isang babae o lalaki kaya bumalik na ulit ako. Ang game na daw na to ay makakatulong sa getting-to-know-each-scout namin. Ang kumot na hawak nila Sir ang siyang mag-haharang sa nasa kabila. So bale pag-kabitaw nila ng kumot, kailangan mong mahulaan kung sino o ano ang pangalan ng makakatapat mo. Pabilisan to dahil kung mabagal ka or di mo mahulaan at kilala ka ng nakatapat mo, talo ka na.

And the game started. Pumunta ako sa pinaka-likod, ayokong mauna. Hello? Iilan pa lang ang kilala ko. Yung iba mga transferee yata o sadyang di ko lang kilala. Ambilis ng mga pangyayari. Buti pa sila kilala ang isa't isa. Eh ako? Talo na. ;)

Nagulat na lang ako ng bigla nila akong tinulak so yeah, ako na ang sasalang. Medyo nanginginig pa ako. Onti lang ang kilala ko! Pag-kababa ng kumot, nakita ko yung kasa-kasama ni Jessa.

"De Ocampo ka eh!" sabi niya. Napa-ngiti na lang ako. Apelyedo ng nanay ko alam niya pero pangalan ko, hindi. Wait. I know him....

"Troy!" sabi ko.

"Sayang! Pangalan mo?"

"Angeline."

Umalis na siya sa harap at pumunta ulit ako sa likod. Nakaka-tuwa yung takbo ng laro. May magkapatid din at nauna yung ate na maka-sagot bago yung bunso. Ilang turns pa at nakita ko yung ka-crew ko, natanggal na din. Patay. Di na kami mananalo nito!

Sunod, ako ulit ang sumalang. Naka-tingin sakin si Vince.

"Grabe! Wala akong kilala!" sabi ko sa kanya

"Nahulaan mo nga si Troy eh."

"Hula lang."

"Okay, game na." sabi ni Sir

Kung sino ka man, sana kilala kita.

Pag-kababa ng kumot,,,,

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Di ko to kilala. And what's worst, ngayon ko lang siya nakita in my 9 years studying in this school. Who the hell this guy is?

Tinuro ko pa siya at pumitik pitik, kunwari alam ko para matakot pero mukhang siya rin, di ako kilala. Napa-hawak pa siya sa chin niya sabay sabing, "Sir, di ko kilala."

Lumingon sakin si Sir at mukhang nag-tatanong. Umiling lang ako para malaman na di ko rin siya kilala.

"Ayyiiiieeee!!!!" kantyawan ng ibang scout. Okay? Anong meron?

"Okay, mag-pakilala kayo then left-hand shake." sabi ni Sir.

Ngumiti siya sabay lahad ng kamay niya, "......sel." di ko narinig yung una kasi patuloy pa rin sa pangaasar yung ibang scouts.

"Angeline." and we shook our hands. Nakakahiya!

Di ko narinig yung buong pangalan ni koya. Aish. Bahala na nga.

And the game continued. Hanggang sa paunti ng paunti pa rin kami at nang ako na ulit ang sasalang, nagtataka ako kung bakit antagal nila at parang kinakausap yung katapat ko. Andaya!

Pagbaba nung kumot, punyeta! Alangan namang "sel" lang ang sabihin ko? Yeah, si koya ulet.

Medyo nakalimutan niya ata ako and with a second, "Angeline...."

"Tsk! Sayang!" wala na. Talo na me.

"Ahaha! Natalo!" sabi ni Troy

"Bleh! At least tumagal ako, eh ikaw?"

"Wala, wala... Talo ka...."

"Ano bang pangalan nun?"

"Rhuzel Sanchez. Nag-kakilala na kayo diba?"

"Di ko narinig eh."

Madami pa kaming ginawa. Epuc fail nga yung tinola ko eh. Kumakain na yung ibang crew, kami nag-gigisa pa lang. Ugh! Major pahiya talaga! Nagalit pa nga si Alexander eh. Tapos, nanakaw pa flag namin. Saya diba? Malas talaga pag kasama niyo ko. Lewls. Kasi naman eh!

Overall, okay naman. Naging successful naman. Inawardan pa ako na yung may pinaka-maraming naitulong or most helpful sa crew. Like duh? I don't think na deserve ko yun. Pero well, may nai-ambag naman ako kahit papaano. Hehe!

Nung umuwi na yung iba, nag-usap usap pa kami nila Sir. Sasali pala sa pasiklaban sila Vince.

Afterwards, sinundo na rin ako ni Appa. Sa buong biyahe namin tulog ako. Tas, pagdating namin sa bahay, bagsak ako. Umidlip nang saglit. Tapos, ginising nila ako nung kakain na ng hapunan. Naligo lang ako after kong kumain and I let my self drifted into sleep. Nakaka-pagod!

Wala naman nangyaring unusual.

Wala nga ba??

================================================================================================================

AND's part: Grabe! I didn't know na may naghihintay para mag-UD ako dito. Just wow. Dedicated sayo. Nakaka-overwhelm lang. My first days and months here in wattpad is like a piece of sht! Iba kasi yung criticizisms. Naxx naman! Nag-drama. Well, here's the UD. Thanks for waiting.

¤Vote ★ and Comment¤

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon