~
Tudi is da di wir i'll shine bright like a diamond. Chos! Pabebe?
Ginising nila ako ng maaga pero hindi ako sumabay sa kanila.
Nung bandang 10 am na, pumunta na ako sa school. Parehas ang mag-me-make up samin ni Krishriel. Nag-check in siya sa isang hotel para dun na kami make-up-an.
~Fast forward
Kaka-tapos lang naming kumain. Kanina pa nag-papatugtog ng upbeat songs at nagiging wild na ang mga tao sa dancefloor. Kaming mga WGs, sumasabay sa beat with matching hawak sa wine glass na may lamang iced tea. Sabi ni Jannille, imagine-in na lang daw na cocktail ang hawak namin at nasa bar lang. Ahahaha! Baliw ampots!
Kanina pa ako nanonood sa mga sumasayaw pero nararamdaman ko na talaga na sasabog na pantog ko! Ang hirap pa namang mag-wiwi kasi dalawang petticoat ang suot ko. Ang kapal kapal, grabe! Kaya sumaglit muna ako sa faculty para mag-you-know-that-pee-thing. Narinig ko rin na nag-palit na ng kanta from upbeat to slow.
After ng session ko kay kumareng banyo, bumalik na ako sa pwesto namin. But before that, nakasalubong ko si Sir at iba ang tingin. Additional to what Vince just said, alam ko na kung anong mangyayari. Tapos isa pa tong si mader, may sinabi pa bago ako lumabas.
"Pag ano, sumayaw kayo sa gitna. Sumali kayo dun."
Though I was really expecting it to happen, my reaction was really priceless when THAT TIME came up.
Wala na kasi akong maupuan na monobloc chair kaya sa may school bench ako naupo na nasa likod lang naman ng mga tables. Pag-balik ko, umupo agad ako dun at yumuko para ayusin ang aking sapatos na ang lumuluwag dahil sa garter na kinakabit. Nabigla na lang ako nang may kamay na nag-lahad at sumulpot sa direction ng tinitingnan ko. I looked up to see kung kaninong kamay yun, and sht! Etong eto yung nasa panaginip ko. He was smiling and he was wearing a mask. Sht!
"Sayaw tayo?"
Bigla akong nanlamig, at parang umurong ang dila ko.
"Tara?" tanong niya ulit.
May sariling isip yung kamay ko at tinanggap ang kamay niya?
Punyeta! Putoragis! Kamatis! Lansonis! Patis! Ipis!
Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang ang gaan ko na ang lambot ko na ewan! Isama mo pa ang hindi maka-mayaw na hiyawan ng mga baliw kong classmate. And because of their noise, naka-catch kami ng so much attention. Kahiya!!!
Obviously that it was seen to my face kung paano ako nagulat. Naka-hawak na siya sa bewang ko, samantalang ako, nag-aalangan pa sa mga gagawin. He's the one who guided the dance. Nanlalambot nga kasi ako.
"Nagulat ka ba?"
Takte! Naririnig ko siya ng malapitan!
"Oo." naka-takip pa rin yung kamay ko sa labi ko.
"Okay lang yan. Nahihiya ka ba?"
Napa-ngiti na alanganin na lang ako. Expected ko naman 'to diba? Anong nangyayari sakin?
"Wag kang mahiya, ako lang 'to."
Biglang tumigil yung music, nag-aanounce ng mga prom prince ek ek.
Pinicturan din kami ng ilang classmates ko at parang nailiang yung bilbil ko kasi medyo naka-pulupot sa bewang ko yung kamay niya. Hindi naman ako ganung katabaan na mala-Big show ang peg. 34 lang naman po ang bewang ko kaya err... nakaka-ilang.
"Upo ka muna. Mamaya na lang ulit."
"Sige."
Nauna akong nag-lakad but what surprised me, he assisted me upto my seat. He even pulled me a chair for me to sit on. Tapos, pumunta siya sa katabing table at dun naki-upo kalila Vince.
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...