~
Finals na namin ngayon.
Alam niyo, I had this unusual feeling na kinakabahan with excitement na halo. Argh! Di ko talaga gets sarili ko minsan! Mag-ta-tatlong araw ko nang nararamdaman 'to pero hindi ko talaga alam ang dahilan.
Kahapon pala, nag-open up ako sa mga kaibigan ko. And yes, they are on my side too. Kung magagalit man ako, sa dalawang tao lang, si Sir o kay Rhuzel. Pero bat ako magagalit kay Rhuzel kung inuutusan lang naman siya? Siguro, dahil na lang nag-papa-uto or well, natatakot sa nga banta ni Sir na hindi siya makaka-graduate. Epal diba?! So magiging isa ako sa dahilan para hindi siya maka-graduate? Tss. Sht lang kung ganon.
Nag-te-take up kami ng test ngayon at the same time chine-check na rin namin para i-record na lang ng mga teachers.
At natatawa na lang ako sa mga results. Langya! Nag-review ako tas anyareh?! Wag ka! May pattern! 70, 71. Saya diba? Nahiwalay naman yung isa, 95. Galeng talaga!
Kasagsagan kaming nag-te-test ng computer.
Aminado akong hindi ako nag-review dito. Tss. Ni hindi ko nga binuksan yung libro ko dito eh. Epal na mga codes kasi yan. Walang ganyan sa course na kukunin ko, aba! Tss. Naka-contacts ako ngayon kaya umub-ob lang ako. Tapos nag-paalam si Carl na lumabas. Base sa mga galaw niya, ang ligalig niya. Parang ansayang ewan.
Binalewala ko lang pero bigla kong naalala na kapag gumaganon si Carl, may katarantaduhan siyang gagawin. I even thought na involve si Rhuzel pero bakit naman. Whatever. Antagal mag-check! Nagugutom nako!
Ilang minutes ng pagkaka-ub-ob, ipinatong ko lang yung ulo ko sa kamay ko. Nag-hihintay ng mga gagawin. Nahulaan ko na kasi lahat. Kaya pwede na. Pwede na ulit bumagsak.
Nag-kataon namang nagawi ang tingin ko sa may dulo ng hagdan na tanaw na tanaw sa room namin/pwesto ko. Saktong nakita ko si Carl na maligalig pa rin kasabay ang isang taong naka-bag na itim. Tss. Buhok pa lang, kilala ko na. Wow! My predictions were right! Dumbsht!
"Hello Angeline!" masiglang bati ni Carl sakin pag-ka-pasok niya sabay upo sa upuan niya. Take note, anjan si mam na nag-babantay.
Tinaasan ko lang siya ng kilay and I moved like a bored person.
"Mam, excuse lang po kay Angeline." paalam niya, kilala niyo na kung sino.
Siya namang ngisi ni mam at kantyawan ng mga 'walang alam' kong kaklase. Ahaha! Nakaka-tawa.
"Angeline, excuse daw~~" naka-ngisi pa rin si mam.
"Hayaan mo na bes, wala silang alam..." sabi ni Ali.
"I know right?" bored kong sagot
Pasensya kung bored, pero bored ang itsura kong humarap sa kanya. Pinalo ko rin si Carl nang malakas nung madaanan ko siya.
"Bahala ka na daw tapusin yung iba sabi ni Sir." sabi niya.
Tumango lang ako ng kaunti, kinuha ko yung folder at tumalikod na sa kanya. Ito yung mga certificates na ipamimigay na dapat nung culminating pa.
Wala pa ring tigil ang kantyawan ang mga kaklase ko. Napa-tingin ako kila Ali, Alexa na magkatabing nasa left side ko lang at kay Jessa at Chinie na nasa right ko naman. Pare-pareho lang kami ng mga ngiti kasi we all knew what the fck happened.
Nang matapos na ang test, agad na akong lumabas. Na-so-suffocate ako pag nakikita ko yung room. Yung feeling na ilang araw na lang diba? Wala nang tao sa ibang room kaya dun muna ako umupo, malapit lang naman sa room namin. Nag-pahilot ako kay Ley sa may balakang ko at tama nga ang hinala kong may lamig ako. Buset!
Umalis na si Ley nang sinimulan kong ayusin ang mga certificates na 'to. Siya namang pasok na Alexa.
"Bes, anong gagawin ko dito?"
Wala naman siyang pinapakita kaya tinaasan ko lang siya ng kilay, "Alin?"
Saka niya onti-onting nilabas yung picture ni Rhuzel nung prom. Yung original pa. Initial reaction ko, nag-init ako. As in parang lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko.
"Itapon mo, punitin mo. Bahala ka na."
Kibit-balikat niyang inilagay ulit sa bulsa niya yung picture. Aanhin ko yun? Remembrance? Fck! Ibigay na lang sa ibang nagkakagusto sa kanya.
Nauna na muna akong bumaba para ilagay yung mga gamit ko sa faculty. Tapos, lumabas na kaming mag-ba-barkada para kumain. Kaso, naiwan yata kami nila Alexa, Aleckzandra at Dandy.
"Kamusta Angeline?" tanong ni Alec.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yung kanina kasi..." - Dandy
"Oh? Anong meron?"
"Nakita namin na pumunta siya sa inyo ah?"
"Oo, in-excuse niya 'ko. Binigay yung certificates."
"Tingnan niyo nga yung binigay sakin ni Carl eh." sabi ni Alexa sabay pakita nung picture.
Kinuha ni Fiona at nag-tanong, "Pinutin natin?"
Napa-ngisi na lang ako, "Bahala kayo..."
Medyo matagal bago niya pinutin. Pero nung akmang pupunitin na niya, eto akong gaga, pinigilan, along with Alexa.
"Uy, wag niyo na lang pinutin, ibalik niyo na lang..." - Alexa
"Original din naman kasi yan eh." sabat ko.
Binalik nila kay Alexa yung picture.
Hindi ko na i-ku-kwento yung buong pangyayari sa gala namin. Nung nasa mini stop sila, bored na bored talaga ako kaya bumalik muna ako sa school hoping to se Emer pero hindi pa siya bumabalik.
I asked Vince, "Si Emer?"
"Wala pa."
"Text niyo ko pag dumating na siya."
Pa-lakad na ako palayo nang tawagin ako ni Sir.
"Angeline, natanggap mo yung certificates?"
"Yes sir." bored ang pag-sagot ko. Bahala na.
"Sino yung nag-abot?"
"Si Rhuzel po."
"Nice, kilala."
"May kailangan pa po kayo?"
Umiling lang siya, a signal for me to get out. Bumalik ako sa mini stop at buti na lang andun pa sila.
Matagal-tagal din kaming nag-gala. Mga quarter to six na ako nang naka-balik. Andun pa rin sila Sir, nag-ba-basketball. No choice at maki-join in na lang sa kanila. Nawala na yung boredom ko dahil lagi kaming pinapatawa nila Ley.
Tapos, ilang oras pa ang nag-daan, umuwi na kami kasabay ang ilang teachers.
*kinabukasan*
Nagising ako na parang puno ako ng panghihinayang. Gulong-gulo na ako!
Maski nga sa kapatid ko nakapag-open up ako na hindi dapat.
That's why I texted Jessa tungkol sa mga nararamdaman ko. Sabi niya pag-usapan namin sa monday.
Gulong-gulo na talaga ako.
‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡
AND's part: Pasensya na kung konti. Nabubwisit lang ako pag-naaalala ko.
◆Vote ★ and Comment◆
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...